Maluha-luha habang isinasakay sa BJMP car… BONG, DIRETSO SEMENTERYO AFTER LUMABAS NG KULUNGAN
- BULGAR

- 1 day ago
- 2 min read
ni Mercy Lejarde @Talkies | August 2, 2026

Photo: IG _chinitaprincess
Isang simpleng “Salamat!” ang naging tugon ng aktor-dating senador na si Ramon “Bong” Revilla, Jr. sa mga miyembro ng media na nag-abang sa kanyang paglabas matapos siyang payagan ng Sandiganbayan Third Division na makapagpiyansa ng P1 milyon para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
Ayon sa mga mamamahayag na naroon, kapansin-pansing maluha-luha ngunit nakangiti si Sen. Bong habang isinasakay sa sasakyan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).
Bukod sa salitang “Salamat,” wala na siyang ibinigay na pahayag sa media.
Samantala, ibinahagi ng filmmaker, scriptwriter, at media personality na si Portia Ilagan ang isang larawan na nagpapakita kay Sen. Bong na dumiretso sa puntod ng kanyang mga magulang matapos siyang makalaya.
Sa kanyang post, inilarawan ni Portia si Sen. Bong bilang ‘dutiful, loving, happy, and respectful son’.
Dagdag pa niya, “Sen. Ramon 'Bong' Revilla, Jr. went straight to their family mausoleum at Eternal Garden Park in Toclong, Imus, Cavite, from the Payatas Jail after posting bail at the Sandiganbayan on the afternoon of July 31, 2026.
“The former three-term senator was incarcerated for more than the past six months (since he voluntarily surrendered last January 19, 2026) for alleged cases of AntiGraft and Corruption and Malversation of Public Funds in connection to the DPWH (Department of Public Works and Highways) Flood Control Ghost Projects.
“The soon-to-be 60 years old (on September 25) former Titanic Action Star of the Philippine movie industry, before he became senator of the Republic of the Philippines, vehemently denies both allegations. And the truth is out slowly, but surely. Starting with this approved bail application for a crime that is non-bailable. No proofs nor strong evidences enough to keep him further in jail for MALVERSATION of public funds.
"Wheels of Justice moving. Amen.”
Amen to that, BFF Portia. God is good all the time!
IBINAHAGI ng singer-songwriter na si Ice Seguerra ang isang throwback na larawan kasama ang mga Dabarkads ng noontime show na Eat… Bulaga! (EB!) sa kanyang social media account bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng ika-47 anibersaryo ng programa.
Kasabay ng larawan, ibinahagi rin ni Ice ang isang bukas na liham para sa pamunuan ng EB!, kung saan nagpahayag siya ng taos-pusong pasasalamat sa programang naging bahagi ng kanyang karera.
Ani Ice, “Dear Eat… Bulaga! Happy 47th Anniversary sa aking pinagmulan at walang hanggang tahanan.
“Maraming salamat sa tiwala, pag-aalaga, at pagmamahal na ibinigay ninyo sa akin at sa aking pamilya, mula noon hanggang ngayon. Congratulations!!! Love, Batang Eat… Bulaga since ‘87, Ice.”
Matatandaang nagsimula si Ice Seguerra bilang isa sa mga pinakasikat na child stars ng Eat… Bulaga! noong dekada '80. Sa kasalukuyan, isa na siyang direktor ng programa.
Happy 47th Anniversary, Eat… Bulaga!.





Comments