Malls, maluwag na, sabong bawal pa rin sa Cavite
- BULGAR

- Oct 21, 2020
- 2 min read
ni Lolet Abania | October 21, 2020

Nagpalabas ng anunsiyo ang lokal na pamahalaan ng Cavite ngayong Miyerkules na hindi na kailangan pa ng quarantine passes para makapasok ng mga malls sa lalawigan.
Gayunman, sa isang Facebook post ni Gov. Jonvic Remulla, tatlong oras lamang papayagan na manatili ang mga residente sa mga malls ng probinsiya. Lahat din ng nais pumunta sa mga malls ay dapat na may dalang identification card (ID) para maipakita at malaman ang tunay na edad nito.
"Puwede na magliwaliw. Just present an official government or school ID showing the ages 15-65 years old. Ngunit may 3-hour limit tayong ibibigay," sabi ni Remulla.
"Mag-ingat nang husto sa paglibot. Wear a mask, face shield, frequently wash and sanitize your hands. Most importantly, continue maintaining social distancing protocols," dagdag niya.
Ayon pa kay Remulla, pareho pa rin ang itinakdang oras ng curfew sa lalawigan na mula alas-9 ng gabi hanggang alas-4 ng umaga subali't exempted dito ang
mga frontline workers.
"We are not out of the woods yet. Tag-ulan pa ngayon at mas mabilis ang pagkalat ng COVID. As usual, exempted ang galing sa trabaho basta magpakita lang ng official HR designation showing duty hours. Exempted din ang mga frontliners at iba pang officials," ani Remulla.
Ipinagbabawal naman ang sabong sa naturang probinsiya.
"Ang sabungan ay 'super spreader' and COVID-19 hotspot. Kaya't pag-aaralan muna namin nang maigi ang paggawa ng bagong patakaran bago tayo pumayag dito," paliwanag ni Remulla.
"Maliban doon, ay wala sa kunsensiya ko na ang simbahan ay 50% lang ang puwede ngunit ang sabungan ay walang limit. Give us time to study it and we will come up with a comprehensive guideline for cockfighting venues," sabi pa niya.
Dagdag ni Remulla, suspendido pa rin ang number coding sa buong Cavite.
Para sa interzonal travel, pinayuhan ni Remulla ang mga kababayan na alamin muna nilang mabuti ang polisiyang ipinatutupad sa mga bayan at munisipalidad na nais puntahan bago nila ito bisitahin.





Comments