top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Maling paniniwala sa pandemya, dapat mapigilan

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 14, 2022
2 min read

ni Ryan Sison - @Boses | February 14, 2022



Bagama’t unti-unti nang bumubuti ang sitwasyon sa bansa sa kabila ng patuloy na pananalasa ng COVID-19, patuloy din sa pagpapaalala ang mga eksperto at pamahalaan na ‘wag makampante.


Kaugnay nito, iginiit ng World Health Organization (WHO) na mapanganib isipin na nasa ‘endgame’ na ang COVID-19 pandemic, sa harap ng pinalulutang na ideyang huling variant na ang Omicron variant.


Paliwanag ni WHO Acting Representative to the Philippines Rajendra Yadav, patuloy pang inaaral ang COVID-19 at may posibilidad pa ring lumutang ang mga panibagong variant.


Samantala, sa ngayon ay nasa moderate o low risk na ang ilang rehiyon na noon ay tinamaan ng COVID-19 surge, ayon sa Department of Health (DOH). Ngunit iginiit din ng kagawaran na hindi pa maituturing na endemic ang COVID-19.


Sa totoo lang, nauunawaan natin ang kasabikan ng mga tao na matapos na ang pandemya at sana nga, Omicron variant na ang pinakahuling variant ng sakit. Pero ‘wag nating isantabi ang katotohanang nariyan pa rin ang banta ng COVID-19 at kahit may malaking pagbabago sa bilang ng mga naitatalang kaso, dapat maingat pa rin tayo.


Hangga’t walang sapat na datos para masabing patapos na ang pandemya, hindi tayo dapat maniwala. Iwas-fake news, ‘ika nga.


Hindi naman sa pagiging nega, ngunit mas mabuti nang magpakatotoo tayo kaysa maniwala sa mga bagay na hindi pa napapatunayan.


Tandaan, ang mga eksperto at pamahalaan lamang ang dapat magdeklara ng mga ganyang bagay at habang may banta ng virus, gampanan natin ang ating obligasyon bilang mamamayan.


At isa pang panawagan sa lahat, iwasan nating magbigay ng maling paniniwala sa taumbayan para maiwasan ang pagkalito.


Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page