Maling flood control coordinates, kinumpirma ng DPWH
- BULGAR

- 3 hours ago
- 1 min read
ni Mylene Alfonso @News | February 9, 2026

Photo: Vince Dizon, Manuel Bonoan at Ping Lacson - FB
Kinumpirma ni Public Works and Highways Secretary Vince Dizon na maraming flood control project coordinates na inilagay sa Sumbong sa Pangulo website ang hindi tama, dulot ng mali o hindi wastong datos mula sa nakaraang pamunuan.
Pinagtibay nito ang naunang pahayag ni Senate Blue Ribbon Committee Chairperson Panfilo Lacson na mali-maling grid data ang ipinasang ulat sa Palasyo ni dating DPWH Sec. Manuel Bonoan.
“Totoo na merong mga maling coordinates at pagpunta mo doon sa coordinates na ‘yun, wala kang makikitang proyekto. Na-experience ko mismo 'yan sa Oriental Mindoro at marami pang ganito,” ani Dizon.
Batay sa joint inspections ng DPWH kasama ang ilang pribadong kontratista, kabilang ang mga site visit sa Bulacan, napatunayang may ilang proyektong una nang sinabing nawawala. Gayunman, ang mga ito ay matatagpuan sa ibang lokasyon dahil sa nasabing maling coordinates.
Ang mga natuklasang ito ay nai-report at opisyal nang naisumite ng DPWH.
Patuloy ang ahensya sa pagre-reconcile at pagba-validate ng datos upang matiyak kung tama ang mga ulat kaugnay ng mga flood control projects.








Comments