Maliligayang araw ng mga fixer, tinapos na
- BULGAR
- Nov 24, 2022
- 1 min read
@Editorial | November 24, 2022
Tuluyan nang gumawa ng hakbang ang Land Transportation Office (LTO) laban sa mga fixers.
Mahigpit na ipinagbabawal ang mga fixers sa iba't ibang opisina sa buong bansa.
Layon nitong isulong at panatilihin ang pagiging bukas at malinis ng ahensya.
Nakasaad sa memorandum ang nag-aatas sa mga regional directors na pagbabawal sa mga fixers na pumasok at magpakalat-kalat sa kanilang opisina.
Kasama rin nito na dapat magsumite sila kada dalawang buwan kung ito ay naipatutupad.
Batid naman natin na talagang talamak ang fixers hindi lang sa LTO kundi maging sa iba pang ahensya ng gobyerno. Ayon sa ilang kumakapit sa fixer, mas mabilis nilang nakukuha ang dokumentong kailangan bagama't mas napapagastos nga lang. Bagay na dapat mapagtuunan ng pansin ng ating mga opisyal.
Kailangang matiyak ang mas mabilis at maayos na serbisyo-publiko para maiwasan na ang maling sistema.
Itong mga iregularidad ay nauuwi sa korupsyon at nagiging mas sakit a sa ulo.
Ngayong tuluyan nang mawawala sa eksena ang mga fixer, inaasahang magiging mas patas na ang mga transaksyon sa gobyerno, sana!
Kung may mahuhuling pasaway pa rin, mas mabigat na parusa na ang ipataw para hindi na umulit o pamarisan ng iba.



Comments