top of page
Search

Maligayang Pasko, mga ka-Bulgar!

BULGAR

@Editorial | December 24, 2023


Isang maligaya, mapayapa at makabuluhang Pasko sa ating lahat!


Sa kabila ng mga pagsubok na ating kinakaharap, sana’y patuloy tayong magtaglay ng maayos na kaisipan, kalusugan at magandang pananaw sa buhay.


‘Ika nga, hindi nauubos ang problema, lagi tayong sinusubok ng panahon, pero hangga't buo ang ating loob, gumagawa tayo ng solusyon at matibay ang ating pananalig sa Diyos, malalampasan din natin ang lahat ng ito. Kapag napagod, puwedeng magpahinga, tapos, laban ulit. Ayos lang na mabagal, basta umuusad.


Kung nakakaramdam ng pagsuko, alalahanin natin kung bakit ba tayo nagsimula. 


Alalahanin natin 'yung mga pangarap na sana makatapos sa pag-aaral ang mga anak namin, sana makahanap ako ng maayos na trabaho, sana magkaroon na kami ng sariling bahay, sana makapunta kaming pamilya sa iba't ibang lugar, sana makalaya na kami sa utang.


Mula sa mga pangarap na ito, maaaring hindi natin namamalayan na nakapagtapos na pala sa high school ang mga bata, na-regular ka na sa trabaho, nakalipat na tayo sa mas disenteng tirahan kahit 'di kalakihan, nakakapasyal-pasyal na 'pag may suweldo at wala nang utang na hinuhulugan. Masasabi nating malayo pa, pero malayo na.


Kaya, huwag sana tayong mawalan ng pag-asa sa buhay. Patuloy tayong maging matatag, maging inspirasyon sa kapwa at gumawa ng kabutihan. 


Ang Pasko ay hudyat din ng pagmamahalan, simulan natin ang mas malalim na kahulugan nito. Huwag nating sayangin ang pagkakataon na maging masaya at may mapasaya.

 

 

 

 

 

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page