top of page
FRANKLY - PIKTYUR NI ELLEN NA MAY KASAMANG MALE MODEL SA CHINA, AGAW-EKSENA_IG _maria.elen

Macatula at Gella bronze sa Asian Tenpin Women's Doubles

Writer: BULGAR
BULGAR
1 day ago
1 min read

ni Eddie M. Paez Jr. @Sports | November 17, 2024



  • Macatula at Gella bronze sa Asian Tenpin Women's Doubles


Isinulat nina Grace Gella at Krizziah Tabora- Macatula ang Pilipinas sa medal board nang pumangatlo sila sa hanay ng women's doubles ng 28th Men's at Women's Asian Tenpin Bowling Championships sa Doha, Qatar.


Mula sa pang-anim na posisyon, lumundag ang tambalang Pinay sa pangatlong posisyon at maitakas ang bronze sa pamamagitan ng pagpapatumba sa huling game ng 547 bolilyo. Kabuuang 288 pinfalls ang idinikit sa pangalan ni Gella habang 259 pinfalls naman ang naging ambag ni Macatula.


Dahil sa umuusok na pagtatapos, napigilan ng Pilipinas ang puntiryang 1-2-3 na resulta ng mga tandem mula sa Malaysia. Kina Nur Syazwani Sahar at Adelia Nur Irwan isinabit ang gintong medalya habang napasakamay naman ng kapwa Malaysians na sina Faten Najihah-Nora Lyana Natasia ang pilak. Sampung bolilyo lang ang naging agwat nina Gella at dating World Cup queen Macatula sa pumang-apat na duo mula pa rin sa Malaysia.


Gugulong na ang kompetisyon sa Men's Doubles ng kaganapan sa disyerto ng Qatar. Papagitna para sa bansa sina Ivan Dominic Malig/Merwin Matheu Tan at Marc Dylan Custodio/Art Barrientos. Pagkatapos naman ay susunod ang digmaan sa Trios. 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page