ni Green Lantern @Renda at Latigo | November 12, 2023
Isa sa mamarkahan ng mga liyamadista ang kalahok na si Malibu Princess pagsalang nito sa 2-Year-Old Maiden Race na ilalarga sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas ngayong araw.
Sasakyan ni jockey Pabs Cabalejo si Malibu Princess kung saan makakalaban niya ang apat na tigasing batang kabayo sa distansiyang 1,400 meter race.
May nakalaan na added prize na P20,000 para sa winning horse owner, makakatagisan ng bilis ni Malibu Princess sina She's Royal, Maria's Legacy at magkakamping Be Smart at Star Of The Future.
Komento ng mga karerista, paniguradong magbibigay ng magandang laban kay Malibu Princess ay si She's Royal na sasakyan ni Christian Advincula. Makakatanggap ng P4,000 ang breeder ng winning local horse lamang, pakakawalan ang nasabing karera sa unang race.
Samantala, 7 races ang ikakasa ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) ngayong araw ng Linggo kaya tiyak na masisiyahan ang mga karerista sa kanilang paglilibang.
Magandang karera rin ang ilalarga sa Race 2 kaya aabangan din ito ng mga karerista.
Anim na kabayo ang mag-uunahan sa meta sa PHILRACOM Rating Based Handicapping System sa distansiyang 1,400 meter race. Mag-uunahan sa finish line sina Dona Chichay, Dugong Bughaw, Iikot Lang, Seychelles, Speed revolution, Bocaue Ruvertown.
Mga Pili ni Green Lantern:
Race 1 - Malibu Princess (4), Be Smart/Star Of The Future (3/3A)
Race 2 - Dona Chichay (1), Seychelles (4)
Race 3 - Christiano (5), Lucky Lucy (4)
Race 4 - Innocare (6), Aly Yanna (3)
Race 5 - Es Oh Pee (4), Top Of The Mark (5)
Race 6 - Basket Of Gold (7), Raga Muffin (2), El Mundo (8)
Race 7 - Seven Of Diamonds (3), Manila Boy (4), Tears Of Joy (5)
Comments