Ika-2 medalyang ginto na ang target ni Eala sa finals
- BULGAR

- 3 hours ago
- 2 min read
ni Gerard Arce @Sports | December 17, 2025

Photo: Eala. Alex Eala / IG
mabigyan ng ikalawang gintong medalya sa kasaysayan ng Philippine tennis ni Pinay sensation Alexandra “Alex” Eala ang Pambansang koponan matapos padapain ang hometown bet na si Thasaporn Naklo ng Thailand sa iskor na 6-1, 6-4 sa semifinals ng women’s singles event kahapon sa National Tennis Development Centre sa Nonthaburi, Thailand.
Sumandal ang Pinay top seed sa malaking bugso ng mga Pinoy na nanood upang mabigyan ito ng karagdagang motibasyon upang makabangon sa matamlay na simula sa second set. Mula sa 0-2 iskor, umarangkada ang 20-anyos na left-handed sa 5-3 bentahe, matapos mahirapang makuha ang hinahangad na momentum dulot ng magandang service game ni Naklo.
Bagaman nakakalapit pa sa ika-9 na laro ang Thai tennister, nagawa pa ring tuldukan ni Eala ang laro sa ika-10 na hampasan upang masundan ang panalo kontra Malaysian Tennisist Shihimi Leong sa 6-3, 6-1. Lumapit si Eala sa kauna-unahang ginto sa women’s singles sapul nang mapagwagian ito ni Maricris Fernandez-Gentz noong 1999 Brunei Darussalam Games.
“I think her opponent is a very experienced player. I think Alex definitely handled the center court very well. She had some resistance, especially in the second set,” wika ni women’s team head coach Denise Dy.
Malaki ang inaasahan sa World No. 52 na makakapasok ng finals na puspusan ang paglahok sa mga pandaigdigang professional tournament ng World Tennis Association (WTA), kabilang ang kauna-unahang WTA 125 singles title sa Guadalajara 125 Open na ginanap sa Panamerican Tennis Center sa Zapopan, Mexico noong Setyembre.
Nakatakdang makatapat ng dating World No.50 si home-crowd bet at World No. 240 Manachaya Sawangkaew sa finals bukas, Huwebes, na masuwerteng nakakuha ng panalo kontra World No.54 Janice Tjen ng Indonesia sa bisa ng walkover na sumuko dulot ng problema sa paghinga.








Comments