top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Malibu Bell, lalarga sa PHILRACOM SLLP

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 4, 2022
2 min read

ni Green Lantern - @Renda at Latigo | August 3, 2022



Masusubukan ang husay ni Malibu Bell pagsalang nito sa 2022 PHILRACOM 2-Year-Old Maiden Stakes race na ilalarga sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite sa Linggo.


Kabilang si Malibu Bell sa nagdeklara ng pagsali sa event na may distansiyang 1,400 meter race, ang iba ay sina Jaguar, Secretary, Sky Magic at magka-kuwadrang Noon Charm at Love Radio.


Tiyak na mapapalaban si Malibu Bell na rerendahan ni former Philippine Sportswriters Association, (PSA) Jockey of the Year awardee Jonathan Basco Hernandez at ayon sa mga komento ng mga karerista sa social media na posibleng magbigay ng magandang laban ay ang magkakamping Love Radio at Noon Charm.


Nakalaan ang P1.M guaranteed prize na ikakalat sa unang apat na kabayong tatawid sa meta, ang nasabing event ay suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.


Kukubrahin ng mananalong kabayo ang P600,000, hahamigin ng 2nd placer ang P225,000 habang tig- P125,000 at P50,000 at third at fourth ayon sa pagkakasunod.


Posibleng maging markado sa laban sina Love Radio at Noon Charm na gagabayan nina John Alvin Guce at John Paul Guce.


Samantala, kasama sa lineup ng stakes races ngayong buwan ang 2022 PHILRACOM "4-Year-Old & Above Sprint Race" na ilalarga sa Santa Ana Park sa Carmona, Cavite sa Agosto 14.


Walong entries naman ang naghayag ng paglahok sa event na may distansiyang 1,000 meter race ito'y sina Asiong, Beli Bell, Electric Truth, Flattering You, King Tiger, Mommy Caring, Stardust at Weather Lang.


May P1.5M guaranteed prize ang nasabing event, mapupunta sa mananalong kabayo ang P900,000 at ibubulsa ng second, third at fourth ang tig-P300,000, P150,000 at P75,000 ayon sa pagkakahilera. Hindi naman uuwing luhaan ang 5th at 6th dahil makakatanggap sila ng tig-P45,000 at P30,000 habang may cash prize din ang breeder ng winning horse.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page