Malaya na ang Pinoy kumilos at maglamyerda
- BULGAR
- Nov 23, 2022
- 1 min read
ni Ka Ambo - @Bistado | November 23, 2022
NAKALIGTAS na mula sa mabigat na pagsubok ang halaga ng piso kontra dolyar.
Nahimasmasan na, hindi umabot sa P60 kada palitan.
Klap-klap-klap!
◘◘◘
MALAYA na ang mga Pinoy na kumilos at maglamyerda.
Dapat makabalik na ang ginhawa sa buhay.
◘◘◘
SA aktwal, may negosyong nananatiling nakaangat kasabay ng pandemic.
May ilang ding naka-jackpot sa panahon ng krisis.
◘◘◘
MAS marami ang nagsarado, nalugi at nalugmok na negosyo.
Marami pa rin ang hindi nakakaahon.
◘◘◘
MARAMING pamilya ang naulila ng mga kaanak.
Maraming nasirang pamilya dahil sa sobrang kahirapan.
◘◘◘
MARAMI pa rin ang walang hanapbuhay.
Pero, ang pagkakaiba—aktwal nang nasisilayan ang liwanag ng pag-recover.
Magandang regalo ito sa Pasko.
◘◘◘
HINDI lang kabiguan ang pinaghahandaan, mas dapat paghandaan ang positibong sitwasyon upang hindi maaksaya ang magagandang oportunidad sa paligid.
Magplano ng mga aktibidad upang makopo natin ang biyaya ng 2023.
◘◘◘
KAPANSIN-PANSING marami pa rin ang tulala, shocked o may depresyon dahil sa pandemic.
Hindi sila makapagdedesisyon ng maayos—at hindi nila makikita at mararamdaman ang mga oportunidad na maaaring kumatok sa kanilang pintuan.
◘◘◘
OPORTUNIDAD at hindi cash ang dapat ibigay ng gobyerno.
Oportunidad kung paano magkaroon ng ikabubuhay.
◘◘◘
DAPAT bumaba ang mga tauhan ng gobyerno sa mga barangay.
Magkaroon dapat ng assessment o pagsusuri kung paano sasaklolohan ang mga residente—sa lalong madaling panahon.








Comments