Malalaswang litrato, video ng mga anak, ibinebenta online, nanay kulong

ni Mervin Reyes @News | October 26, 2026

Photo: File
Arestado ang isang ginang sa Taguig City dahil sa pagbebenta umano online ng malalaswang larawan at video ng sarili niyang mga anak, kabilang ang isang apat na taong gulang na bata.
Nagsilbi ng digital warrant ang mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) Violence Against Women and Children Division (VAWCD) sa bahay ng suspek. Nang buksan at suriin ang cellphone ng ginang, natuklasan umano ang mga malalaswang larawan at video ng mga bata na ibinebenta online.
“We have information na itong taong ito, pati mga litrato at video ng kanyang anak ay binebenta sa online para gamiting materials para sa mga pedophiles. Kaya ito nakakatakot dahil mismong magulang siya, sa sariling mga anak ay kanyang ibinebenta,” sabi ni NBI Director Atty. Melvin Matibag.
Ipinakita rin sa asawa ng suspek ang mga larawang ibinebenta online. Ayon sa NBI, naging maingat ang ginang sa umano'y ilegal na aktibidad mula pa noong 2017.
Nagkaroon ng breakthrough sa imbestigasyon nitong 2026 matapos magbigay ng karagdagang teknikal na impormasyon ang Germany, United Kingdom, Canada, Sweden at United States, na naghahanap din umano sa suspek.
Hindi pa nagbibigay ng panig ang suspek, na nahaharap sa magkakahiwalay na reklamong walang piyansa.





Comments