Malalang trapik, huwag nang itawid sa 2023
- BULGAR
- Dec 4, 2022
- 1 min read
@Editorial | December 4, 2022
Grabe ang trapik parang pang-forever na tila sakit sa ulo pa rin hanggang sa taong 2023.
Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), halos kalahating milyong sasakyan na ang bumibiyahe sa EDSA na may average na 470,000 kada araw at asahang tataas pa.
Umaasa tayo na lahat ng paraan ay ginagawa na ng kinauukulan para mapaluwag ang mga kalsada. Ang mga Mabuhay Lanes, tiyaking nadaranan nang maayos, linisin mula sa mga illegal parking, vendors at tambayan. Kung kayang ikutan maya’t maya ay gawin na para masigurong may alternatibong ruta.
Batid naman natin na sadyang maraming pasaway at walang malasakit. Kaya napipilitan na talaga tayong maging mas estrikto mawala lang ang mga obstructions na ‘yan.
Grabe ang epektong dulot ng trapik, kayang-kaya patigilin ang usad ng kabuhayan. Sa halip na nakakausad na sana ang ating ekonomiya, natatrapik pa.
Kaya panawagan sa lahat, sa gobyerno, motorista at komyuter, maging responsable at disiplinado para hindi na makadagdag sa problema sa trapiko.
Umaasa tayong mabilis matatapos ang proyekto ng pamahalaan na isa rin sa mga sanhi ng trapik at magagawa na ang mga sirang kalsada.
Sana sa 2023, hindi man tuluyang mawala, eh, mabawasan naman ang trapik.



Comments