top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Malaking tulong ang P5-k ayuda sa mga tsuper ng dyip at tricycle

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 17, 2022
1 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | February 17, 2022



INAASAHANG kukubkubin ng Russia ang Ukraine anumang araw.


Nanangkupo!


◘◘◘


KAPOS ang suplay ng petrolyo.


Ang resulta: mataas na presyo.


Dahil din 'yan sa ulat ng digmaan!


◘◘◘


LUMILIIT ang kita ng mga tsuper ng pampasaherong sasakyan dahil sa oil price hike.


Kaawa-awa ang mga tsuper ng dyipni at traysikel!


◘◘◘


TAMA lang ang rekomendasyon ng TODA Partylist na isali sa “Pantawid Pasada” ang mga tsuper at operators.


Malaking tulong din kasi ang P5,000 na ayuda para sa petrolyo!


◘◘◘


ANG mga benepisaryo ay dapat lehitimong operator na may prangkisa.


Hindi gaanong napapansin ang mga tsuper at operator sa panahon ng pandemic kaya’t napapanahon ang isinusulong ng TODA Partylist.


◘◘◘


MAY banta ng panggugulo ang Hamas sa teritoryo ng Pilipinas.


Inilabas ang intel report mula sa US.


◘◘◘


DAPAT mag-ingat ang mga dayuhang nasa Pilipinas.


Ibig sabihin din, maging maingat ang mga Pinoy sa pakikipag-ugnayan sa kaninumang dayuhan!


◘◘◘

SA gitna ng kampanya, hindi malayong guluhin ang mga political rally—at ituro ang “Hamas” bilang mga suspek.


'Yan ay maselang isyu!


◘◘◘


MALAKING papel ang gagampanan ng mga local leaders sa kampanya ng mga national candidates.


Bagaman maaaring hindi sumunod ang ordinaryong botante sa mga LGU executives, pero walang duda, na makahahatak pa rin sila upang mabago ang “trending”.


◘◘◘


MARAMING klase ng sistema upang mabago ang hapay ng mga botante.


May mga lugar na hindi epektibo ang mga LGU, pero may mga espesipikong teritoryo na naididikta nila ang “resulta sa balota”.


◘◘◘


DIRETSO lang ang pagbaba ng bilang ng nagka-COVID-19.


Masyadong mabagal ang pagbaba ng bilang ng mga gumagaling sa COVID-19.


Kontra 'yan sa naturalesa ng “virus”.


Sa aktuwal, biglang naglalaho dapat ang “virus” — hindi dapat inuunti-unti ang “datos”.


Ang “datos” ay posibleng minamanipula ng mga kolokoy!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page