top of page
LET’S SEE - SHARON, DAMAY SA AWAY NINA SEN. KIKO AT SEN. ROBIN-IG _reallysharoncuenta FB R

Malaking ibon sa hawla, sign na malapit nang mag-asawa

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 27, 2021
  • 1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | April 27, 2021



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Rex ng Pampanga.


Dear Maestra,

Gustong-gusto kong basahin ang column n’yo kaya naman naengganyo akong magpaanalisa ng panaginip ko. Binata pa ako at libang na libang sa alaga kong mga ibon. Mahilig akong mag-alaga ng iba’t ibang klase ng mga ibon. Natutuwa ako dahil nawawala ang aking kalungkutan kapag naririnig ko ang huni ng mga ito. Dahil d’yan, madalas akong managinip ng hawla. Napanaginipan kong may napakalaking ibon sa hawla ko. Sa katabing hawla naman, biglang lumipad ang ibon kaya nawalan ito ng laman. Nakita ko rin ‘yung kapatid ko, pinakawalan ang mga ibon ko sa kanilang hawla. Ano ang ipinahihiwatig nito?


Naghihintay,

Rex


Sa iyo, Rex,

Isa-isahin natin ang panaginip mo. Ang ibig sabihin ng malaking ibon na nakita mo sa hawla ay malapit ka nang makapag-asawa. Magpapakasal ka na sa babaeng iyong napupusuan, subalit ang babae palang ‘yun ay mayroon nang ibang mahal kaya tatanggihan niya ang marriage proposal mo. ‘Yan ang ipinahihiwatig na nakawala ang ibon sa hawla niya. ‘Yun namang nakita mo ang kapatid mo na pinakawalan ang mga ibon, ito ay nagpapahiwatig na tuluyan na kayong magkakalayo ng babaeng tinitibok ng puso mo.


Hindi kayo magkakatuluyan at matatagalan pa bago ka umibig muli at may posibilidad na tumanda kang binata.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia da Luna

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page