Malaking gulo kapag inaresto si Ex-P-Duterte
ni Pablo Hernandez @Prangkahan | Pebrero 9, 2024
‘DI KATANGGAP-TANGGAP NA SA PUV MODERNIZATION PROGRAM. HINDI NA MAGIGING PAG-AARI NG MGA OPERATOR ANG KANILANG MGA JEEP -- Tama ang naging desisyon ng MANIBELA transport organization na sampahan ng kasong graft sa Ombudsman sina Sec. Jaime Bautista ng Dept. of Transportation (DOTr), Chairman Teofilo Guadiz III ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at iba pang opisyal ng pamahalaan na nagsusulong ng Public Utility Vehicle (PUV) Modernization Program.
Hindi naman kasi talaga katanggap-tanggap ang nais ng mga opisyal ng pamahalaan na alisan ng hanapbuhay ang mga tsuper at operator ng traditional jeepney at ang pag-aaring jeep ng mga operator ay magiging pag-aari na ng mga kooperatiba at korporasyon kapag pumaloob sila sa PUVMP, tsk!
XXX
DAPAT PAG-ISIPAN NG MARCOS ADMIN KUNG DADAKPIN SI EX-P-DUTERTE KAPAG MAY WARRANT OF ARREST NA ANG ICC KASI MALAKING GULO ‘YAN -- Dapat pag-isipang mabuti ng Marcos administration kung dadakpin ng tropa ng pamahalaan si ex-P-Duterte sakaling magpalabas ng warrant of arrest laban sa dating presidente ang International Criminal Court (ICC).
Sa totoo lang, malaking gulo kapag ginawa ng Marcos admin na hulihin si ex-P-Duterte para i-turnover sa ICC sa The Netherlands, kasi kapag ginawa ‘yan ng pamahalaan ay siguradong maglalabasan sa lansangan ang milyun-milyong Duterte Diehard Supporters (DDS) para protektahan ang kinikilala nilang “Tatay Digong”, period!
XXX
DAMING NAWALAN NG WORK, TAPOS IBIBIDA NG PSA KAUNTI NA LANG DAW ANG JOBLESS --Maraming netizens ang naiimposiblehan sa ibinibida ng mga alagad ni Pres. Bongbong Marcos (P-BBM) sa Philippine Statistics Authority (PSA) na nagsabing 1.6 million Pinoy na lang daw ang jobless sa Pilipinas.
Mantakin n’yo, daming magsasaka ang nawalan ng hanapbuhay dahil sa Rice Tariffication Law, maraming mangingisda ang hindi na rin makapaghanapbuhay dahil hina-harass sila ng China Coast Guard (CCG) at mga Chinese militia sa dagat ng ‘Pinas, maraming jeepney driver at operators na hindi na pinag-renew ng prangkisa ang wala na ring hanapbuhay ngayon, at kahit isang foreign investor ay wala pang ipinapasok na negosyo sa bansa mula nang maging presidente si P-BBM, tapos sasabihin ng PSA na kaunti na lang daw ang jobless, tsk!
XXX
SANA ‘DI LANG GALUNGGONG ANG IBABA ANG PRESYO, SANA ALL NG PAGKAIN IBABA ANG PRESYO -- Inanunsyo ng Dept. of Agriculture (DA) na posible raw next month o Marso 2024 ay bumaba na ang presyo ng galunggong sa merkado.
Sana, hindi lang galunggong ang bumaba ang presyo, sana lahat ng mga produktong pagkain ay ibaba ng Marcos admin ang presyo, period!





Comments