top of page

Malaking blessing daw na nauntog siya agad… YEN: RELASYON NAMIN NI PAOLO, BANGUNGOT!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 19 hours ago
  • 3 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | July 25, 2025



Photo:Yen Santos - IG


Pasabog ang kauna-unahang YouTube (YT) vlog ni Yen Santos dahil for the first time ay nagsalita na siya tungkol sa mga issues sa kanya kabilang na ang nangyari sa relasyon nila ng kanyang ex-boyfriend.


Sinagot ng aktres ang mga katanungan about her personal life na matagal na ring gustong malaman ng publiko.


Isa nga sa mga tanong ng kanyang team ay “What happened to your last relationship?”

Bagama’t walang pangalang tinukoy, ang alam ng lahat na last boyfriend ni Yen ay si Paolo Contis.


Simula ng aktres, “Napakalaking blessing na natapos na ‘yun. Malaking blessing na nagising na ako du’n sa nightmare na ‘yun and I walked away. Kasi hindi talaga worth it.”

She revealed na kinokontrol at mina-manipulate siya ng dating karelasyon.


“It wasn’t worth wasting my time, my energy sa someone na kinokontrol ka, mina-manipulate ka. That kind of life drains you and you lose yourself in the process. So, hindi mo gugustuhin talaga ‘yung ganu’ng klaseng buhay,” sey niya.


“And minsan, the most powerful thing you can do is walk away and set yourself free. Piliin mo ‘yung sarili mo talaga,” dagdag niya.


Sa simula raw ay hindi naman ganu’n ang pagkakakilala niya sa dating partner.

“Sa una kasi, hindi naman ‘yan magpapakilala, eh. The person I met in the beginning, that wasn’t really him. The one I saw in the end, ‘yun talaga s’ya.


“S’yempre sa una, hindi naman ‘yan magpapakilala ng totoong pagkatao nila, eh. Kasi gagawin nila lahat para makuha ‘yung loob mo. Tapos, ‘pag nakuha na ‘yung loob mo, unti-unti na ‘yan, doon na lalabas ‘yung totoong pagkatao nila,” kuwento niya.


Aminado naman siyang nagkamali siya na nahulog siya sa taong ‘yun and in the process ay may mga nasaktan siyang tao.


“And s’yempre, ako rin sa part ko, nahulog ako doon, eh. Naniwala ako sa lahat ng mga ipinakita noong una. Kahit gaano ko dyina-justify dati na, ‘Okay naman kami, masaya naman kami,’ pero you know deep down, may mga taong nasaktan du’n sa maling choices mo and it was wrong.


“Para sa akin, ‘yung ganu’ng klaseng tao, matatauhan ka talaga ‘pag ganu’n ka itinatrato,” pahayag niya.


“And ngayon, ang mahalaga, you know, tapos na. And mas maayos ‘yung takbo ng buhay ngayon,” patuloy niya.


Sumunod na tanong ay “What lessons did you learn from your ex?”


Ayon sa aktres, red flag daw talaga kapag sa umpisa pa lang ay puro maganda ang ipinapakita sa ‘yo.


“Isa sa mga natutunan ko na ‘pag ang isang tao, umpisa pa lang, mahal ka na agad, big gestures agad ‘yung ginagawa para sa ‘yo, sweet words, ganyan...


“Noong una, akala ko, nakakakilig ‘yun, eh. Pero hindi, red flag ‘yun. Love bombing ‘yun. Patibong ‘yun. Parang ‘yung pakiramdam mo na parang ang bilis lahat ng pangyayari.

Minamadali ka sa mga bagay-bagay. No, hindi. ‘Pag ganu’n agad, takbo ka, kasi umpisa pa lang, hindi na totoo agad ‘yun sa sarili n’ya. Hindi love ‘yun. Part ‘yun ng manipulation,” saad niya.


Natutunan din daw niya na kapag sa simula pa lang ng relasyon ay mali na, mali na talaga ito.


Aniya, “Isa rin sa mga natutunan ko sa buong relasyon na ‘yun, na ‘pag pumasok ka sa ganu’ng sitwasyon, na umpisa pa lang, maling-mali na, mali talaga s’ya. Kasi alam mo sa sarili mo na may mga tao kang nasaktan.”


Kasunod nito ang paghingi ng tawad ni Yen sa mga taong nasaktan niya nang time na ‘yun.


“Para po du’n sa mga taong nasaktan ko noong mga panahon na ‘yun, I am so sorry. Wala po akong excuse du’n. Mali po talaga ako. Nagkamali po ako,” anang aktres.

Nang matanong kung ano ang sasabihin niya sa kanyang ex kapag nagkita sila, sambit ni Yen, “Wala, wala akong sasabihin.”



MULING maghaharap sa isang masayang challenge ang Big Four duos ng Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab Edition. Maglalaban sila hindi para sa tasks ni Kuya, kundi sa hulaan ng top survey answers sa Family Feud (FF)


Maglalaro sa ‘Team Reality Royalty’ ang Big Winner duo na ‘BreKa’ na sina Brent Manalo at Mika Salamanca, kasama sina ‘CharEs’ na sina Charlie Fleming at Esnyr Ranollo.


Hindi naman papatalo ang ‘Reality Rockstars’ na sina Will Ashley at Ralph De Leon o ‘RaWi’, at ‘AzVer’ duo na sina AZ Martinez at River Joseph.


Asahan ang kilig at unli-kulitan ng mga minahal na PBB housemates. 

Abangan sila at iba pang celebrity players next week sa Family Feud, Lunes hanggang Biyernes tuwing 5:40 PM sa GMA-7.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page