top of page

Malaki raw ang ambag sa ratings… FANS KAY COCO: MCCOY, MAS MAGALING KAY JAKE, ‘WAG TSUGIHIN SA BQ

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 24
  • 3 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | June 24, 2025



Photo: Mccoy De Leon - IG


May inamin si Kylie Padilla tungkol sa relasyon niya kay Mariel Padilla, ang wifey ng ama niyang si Senador Robin Padilla.


Nangangamba ang Kapuso actress na baka umano maiugnay sa kanyang personal na buhay ang tema ng bago niyang serye sa Kapuso network na tumatalakay sa pagtataksil at sirang relasyon ng mag-asawa.


Nilinaw niya na malayo ito sa tunay na kalagayan ng kanyang pamilya, lalo na sa mabuting relasyon nila ng stepmother na si Mariel. 


Aniya, si Mariel ang madalas niyang takbuhan at pinaglalabasan ng sama ng loob kapag may pinagdaraanan siyang problema.


Ayaw na kasi niyang madagdagan pa ang problema ng ama sa Senado.

Kabaligtaran daw ng istorya ng bago niyang serye ang ugnayan nila ni Mariel.


Aniya, “Sumbungan ko s’ya, sa kanya ako nagsusumbong when I have a problem. Kasi ayokong madagdagan ‘yung problem ng dad ko, so kay Tita Mariel na ‘ko dumidiresto. Almost everything na kailangan ko ng tulong, I ask her.”


Hindi na bago sa publiko ang pagiging open ni Kylie pagdating sa mga personal niyang saloobin. Ang kanyang relasyon kay Mariel ay isang patunay na hindi palaging may tensiyon sa pagitan ng stepmother at stepdaughter — sa halip, puwede itong maging source of strength.


Naging bukas din ang aktres tungkol sa estado ng kanyang puso.

Inamin niyang kasalukuyang tahimik at pribado ang aspeto ng kanyang love life, ngunit masaya siya sa kung ano man ang meron siya ngayon.



Ang daming nagtatanong na mga netizens, mawawala na nga ba si David (McCoy de Leon) sa Batang Quiapo (BQ)?


Sa episode kasi nitong nakaraang Sabado ay naiba na ang karakter niya bilang masamang kapatid kay Tanggol (Coco Martin), naging mabait na siya.


Ang siste ay sinaksak siya ni Miguelito (Jake Cuenca) at sa huli ay ipinakitang yakap-yakap siya ni Tanggol.


Bumaha ng komento sa Facebook (FB) page kung saan marami ang nagsasabing huwag patayin ang karakter ni David.


Sey ng isang netizen, “Kasi noon, napaka-bad ni David, eh. Ngayon, nagbago at bumait na si David, kaya sana, ‘wag siyang mamatay para magsama-sama pa sila nina Tanggol at Santino.”


At ito pa ang sey ng isang umaasa, “Sana madala pa sa hospital at maagapan... tagal naman mag-8 PM (hahaha! excited much).


“Noon ‘yun kasi salbahe s’ya at may napatunayan na s’ya na magaling s’yang kontrabida. Pero now, ‘yung isang side naman n’ya ang dapat n’yang ipakita — ‘yung pagiging mabait na tao, kapatid, at anak. ‘Yun ang gusto naming makita kay David. 


“At siyempre, ‘yung tandem ng 3 magkakapatid na sina Santino, David, at Tanggol, ‘yung magkasama-sama kayo na lumalaban at walang mawawala isa man sa inyo hanggang sa huli.


“Magaling naman talaga si David, pang-Best Actor ang datingan at super nakuha niya ang inis ng taumbayan kaya nakakalungkot mawala s’ya sa BQ.”

Komento pa ng iba:


“Mas magaling s’yang kontrabida kaysa kay Jake Cuenca.”


“‘Wag n’yo s’yang alisin kasi malaki rin ang ambag n’ya sa ratings n’yo. Hindi muna s’ya dapat alisin, napakagaling n’yang artista, isa s’yang malaking kawalan sa Batang Quiapo. More power to you, McCoy de Leon.”


Pero may mga netizens na humihingi rin ng hustisya para sa mga babaeng napatay ni David tulad ni Camille (Yuki Takahashi) na nabuntis pa niya.

Sa naging asawa niyang si Catherine (Ara Davao), siya rin ang pumatay para sa kanya mapunta ang lahat ng kayamanan ng Caballero.


Si Bubbles (Ivana Alawi) ay pinatay din niya dahil sa utos ni Doña Bettina (Tessie Tomas). At si Attorney Vera Saldivar (Maila Rivera) na sa kasamaang-palad ay siya ang nabaril nang nag-aagawan sila ng baril ni David.


Sana raw, mabigyan muna ng hustisya ang mga babaeng napatay ni David, lalung-lalo na ang karakter ni Camille.


Suggestions ng mga netizens, huwag munang tsugihin si David para maipakita raw nito na bumait na ang kanyang karakter at pagbayaran muna ang mga krimen na nagawa niya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page