top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Malakas na resistensiya, mas safe at mura kesa sa bakuna

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 31, 2021
  • 1 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | January 31, 2021



Nagsisiraan na ang mga COVID manufacturer.


Ito ay bunga ng oversupply!


◘◘◘


Sobra-sobra ang magiging suplay ng COVID vaccines pero bakit wala pang nakakarating sa Pilipinas?


Lahat naman ay may side effects.


‘Yan ang mapait na katotohanan!


◘◘◘


Ang alinmang bakuna ay parang “tao” lang.


Hindi perfect at may negatibo’t positibong dala-dala!


◘◘◘


Mare-realised natin na ang pinakaepektibong panlaban sa virus ay nananatiling ang malakas at mabulas na immune system.


Immune system pa rin ang magdedesisyon—at ‘yan ay libre dahil “’yan ay ikaw mismo”!


◘◘◘


Dapat manatiling may paniniwala ang tao sa kakayahan ng bawat isa na disiplinahin ang sarili at labanan ang virus gamit ang “herd immunity” imbes ang kaduda-dudang bakuna.


Kapag herd immunity ang umiral—pang matagalan na ‘yan—at libre lang!


◘◘◘


Ang resistensiya, bulas at tapang ng mga kabataan ang tatalo sa kamandag ng alinmang virus.


At ang tunay na biktima ng virus ay ang mga matatanda at may mahihinang immune system!


◘◘◘


Kahit anong klaseng sakit, kahit hindi COVID—mapapatay din ng anumang virus ang mga may edad nang tao.


Ganyan din sa mga dati nang maysakit, madali silang manghihina at kakapusin nang buhay.


Simpleng sintido kumon!


◘◘◘


Ang tunay na biktima ng COVID—ay ang ekonomiya.


Pinabagsak nito ang ekonomiya—at mahihirapan nang makabangon!


◘◘◘


Nagmamatigas ang China sa kanilang “nine-dash line” territory sa West Philippine Sea.


Isang panibagong krisis ito kasabay ng COVID!


◘◘◘


Yumao na ang VACC founder na si Dante Jimenez.


Walang “foul play”!


◘◘◘


Ipinipilit ni virus tracing czar Benjamin Magalong ang kanyang pagbibitiw.


Irrevocable kasi dapat ang ginawa mo, para “walang arte-arte”!


◘◘◘


Bigyan dapat ni P-Digong ng pagkakataon ang ibang lider na mangasiwa sa tracing ng mga nahahawa ng COVID.


Hindi puwede ‘yung basta “Davao” ay idinidikta niya.


Walang ganyanan!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page