top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Malakas daw ang loob niya… AKTRES NA NABUNTIS DAW NI DINGDONG, MAGDEDEMANDA

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 4, 2021
1 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | February 4, 2021




Desidido pala ang Kapuso actress na si Lindsay de Vera na kasuhan ang mga nagpakalat ng isyung nabuntis siya ng GMA-7 Primetime King at mister ni Marian Rivera na si Dingdong Dantes.


Sa panayam kay Lindsay ng Kapuso host-reporter na si Tito Lhar Santiago, hamon ng 21-year-old actress sa mga nagkakalat ng fake news sa kanya, “Malakas po (ang) loob ko to tell them, to ask them to come forward with proof if they can. Patunayan po nila na nabuntis ako ni Kuya Dong.”


Dagdag pa niya, "I encourage you. If you have proof na nabuntis ako ni Kuya Dong, please come forward and we will meet each other in court.”


Paliwanag pa ni Lindsay, taong 2017 pa nang maging magkatrabaho sila ni Dingdong sa Alyas Robinhood at lumabas pa siya sa Victor Magtanggol ni Alden Richards nu'ng year 2018, kaya kung nagbuntis daw siya, di sana'y nakitang lumaki ang tiyan niya nang gawin ang serye.


“Kung nabuntis po ako, dapat noong Victor Magtanggol pa lang, nakikita na nila na lumalaki ang tiyan ko. But I still did projects, I still did guestings,” sabi pa ni Lindsay.


Well, sana nga ay ma-trace ni Lindsay kung sinuman ang nagkalat ng mapanirang tsismis at makasuhan para naman magkaroon na ng takot ang mga gumagawa ng fake news, 'no!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page