Malabon, Mandaluyong, Cavite, Parañaque, nabiktima... Shooting threat sa mga iskul, non-stop
- BULGAR

- 13 hours ago
- 1 min read
ni Gina Pleñago @News | July 23, 2026

Photo: File / PNP Parañaque City Police Station
Pinabulaanan ng Parañaque City Police ang nakababahalang viral post sa Facebook na may planong pamamaril sa mga paaralan sa Lungsod ng Parañaque.
Ayon kay Parañaque CPS P/Colonel Nicolas Piñon, noong Martes ng gabi, agad silang nagsagawa ng validation at verification at lumabas na negatibo at walang ebidensiyang sumusuporta sa bantang pamamaril.
Kahit walang batayan, sinabi ng hepe ng Parañaque Police na hindi nila babalewalain at lalo pang paiigtingin ang pagbabantay sa seguridad at koordinasyon sa pamunuan ng mga eskwelahan para masiguro ang kaligtasan, hindi lamang ng mga mag-aaral at guro, kundi ng publiko.
Una nang binulabog ng shooting at bomb threats ang ilang eskwelahan sa Malabon, Mandaluyong at Cavite.





Comments