top of page

Malabo ang depensa ng PNP sa "kaduda-dudang pagbisita" sa mga taga-press

  • BULGAR
  • Oct 17, 2022
  • 2 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | October 17, 2022


MAY ulat na dinadalaw ng mga parak ang mga aktibong journalist.

Aba’y magdala man lang kayo ng sariling ninyong “kape”.


Pero nang may magreklamo, itinigil na ang aktwal na pagdalaw.

Hindi kaya “under surveillance” na lang?

Hindi na magpapakape si Kunay.


He-he-he!


◘◘◘


HINDI malinaw ang paliwanag o depensa ng PNP kaugnay ng “kaduda-dudang pagdalaw”, lalo na’t maselan ang sitwasyon sa seguridad ng mga mamamahayag.

Alam natin, hindi lahat ng naka-uniporme o may ID ng PNP—ay lehitimo ang aktibidad.


Dapat nating maunawaan, ng ilang taga-PNP ay nasasangkot ng aktuwal na krimen.


◘◘◘


MAHALAGANG maging transparent ang PNP—dapat silang magbigay ng katanggap-tanggap na paliwanag.


Hanggang ngayon, kakaunti ang nakauunawa sa kahalagahan ng “pamamahayag” at kung ano ang sustansya ng katagang “Freedom of the Press”.


◘◘◘


NAMAMAHINGA na si Digong.

Pero, nananatili pa rin siyang popular.

Bakit?


Ito ay dahil sa kanyang estilo ng pagsingit ng “joke” sa kanyang mga pormal at hindi pormal na talumpati.


◘◘◘


SISTE ang katumbas ng “joke”.

Ibig sabihin, ma-“siste” si Digong.

'Yan ang paglalarawan ng mga Tagalog sa Bisayang si Digong.

'Yan mismo, kaya’t minahal siya ng masa.


Ganun lang kasimple.


◘◘◘


SA tingin natin, ganyan din ang estilo ng kanyang nakatandem na si Sen. Peter Alan Cayetano.


Masiste rin si Sen. Alan, pero medyo pormal ang kanyang siste kompara kay Digong na pang-masa talaga.


◘◘◘


MAS angkop na gamitin ang “hugot’ kaysa siste sa mga sinasabing joke ng senador.


Ginagamit ng senador ang kanyang “hugot” upang bigyang-diin ang isyu at 'yan ay isa niyang teknik.


◘◘◘


TULAD noong Huwebes sa budget hearing ng DPWH sa Senado, pahapyaw niyang binanggit na “padadalhan niya ang mga opisyal nito ng vitamins para gumanda ang memory nila”.


Pa-“hugot” pero may patama.


◘◘◘


BINIBIGYANG-DIIN lamang dito ay ang pag-iwas ng away-away o salungat sa gitna ng krisis.


Kailangan ang “Solomonic solution”, kailangan magtagpo-tagpo at magkaisa ang lahat—anuman ang kulay pulitika o ideolohiya—alang-alang sa ating bansa.


Ganun lang!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page