Mala-Heart na rin ang OOTD at awrahan… CHIZ, PINAKA-FASHIONISTANG SENADOR
ni Ambet Nabus @Let's See | August 25, 2023

Grabe na talaga ang influence ni Heart Evangelista sa asawa nitong si Sen. Chiz Escudero.
Hindi lang sa fashion styling ito makikita sa senador kundi maging sa paraan nito ng paglalakad at ultimong pagsasalita.
Nakatsikahan nga namin ang ilang mga ka-Marites sa Senado na naaaliw at nai-inspire sa pagpapapogi ni Sen. Chiz (‘yung literal na papogi, ha, hindi ‘yung paandar lang) dahil fashionistang-fashionista nga ang datingan nito.
"Not actually grand, pero alam mong hindi basta-basta ang mga isinusuot nito, pati mga burloloy.
At ‘pag naglalakad 'yan sa hallway, mapapalingon ka talaga dahil iba ang awrahan," sey ng mga nag-o-observe sa senador.
"Lalong lumalakas ang appeal niya kapag nakipagsabayan na 'yan ng galing sa mga sessions.
Ever since naman, brilyo ang utak niyan pero malaking bagay talaga na misis niya si Heart dahil kahit siguro ihanay mo 'yan sa mga nagguguwapuhan at magagaling na mambabatas sa USA o UK, lulutang ang appeal niyan," hirit pa ng mga tagahanga ni Sen. Chiz.
Well, matagal na rin naming kaibigan/kumpare si Sen. Chiz, pero sang-ayon kami sa mga obserbasyon ng marami na siya na nga ngayon ang pinaka-fashionistang senador sa bansa.
Perfect na ingredient para sa talas ng utak nito at galing sa pagsusulong ng mga batas!





Comments