top of page

Makakapag-exam pa rin ang estudyante kahit ‘di pa nakapagbayad ng tuition fee

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 16, 2020
  • 1 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | November 16, 2020



Isa akong estudyante sa pribadong paaralan at dahil sa kakulangan ng pera, hindi nabayaran ng mga magulang ko ang aking tuition fee. Sinabihan ako na hindi raw ako makakakuha ng final examination. Tama ba ito? – Roda


Dear Roda,


Para sa inyong kaalaman, ayon sa Manual of Regulations for Private Higher Education (MRPHE), hindi maaaring ipagkait sa inyo ng paaralan ang pagkuha ninyo ng pagsusulit. Ito ay alinsunod sa Section 99 ng MRPHE kung saan nakasaad na:


“Section 99. Denial of Final Examinations; Withholding of Grades; and Refusal to Re-enroll. No higher education institution shall deny final examinations to a student who has outstanding financial or property obligations, including unpaid tuition and other school fees corresponding to the school term. However, the institution may withhold the final grades or may refuse re-enrollment of such student. Provided, that, in case of withholding of final grades, the final grades are duly recorded and submitted to the Registrar together with the final grades of the rest of the students in the prescribed form.”  (Binigyang-diin)

Samakatwid, nararapat kayong makakuha ng inyong final examinations kahit kayo ay may hindi pa nababayarang obligasyon sa kanila.


Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyon na ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page