Majority ng botanteng Pinoy, dapat sisihin sa patuloy na paghihirap ng ‘Pinas
ni Pablo Hernandez @Prangkahan | Pebrero 23, 2024
MGA MAHIHIRAP NA PINOY ANG MAKIKINABANG SA IPINA-REALIGN NI SEN. IMEE, NA SILANG BAHAGI NG BUDGET NG 4Ps -- Sablay ang atake ng mga kongresista kay presidential sister, Sen. Imee Marcos tungkol sa isyung pinabawasan daw ng senadora ang budget para sa 4Ps, kasi ayon kay Sen. Imee, ang ibinawas sa budget ng 4Ps ay ini-realign niya sa mga programa ng Dept. of Social Welfare and Development (DSWD) para sa madaliang tulong sa mga mahihirap na kababayan tulad ng feeding program, Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan-Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services (KALAHI-CIDSS) quick response fund for disaster at Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS).
Matapos ang statement na ‘yan ni Sen. Imee ay tumameme na ang mga cong., kasi ang pag-realign naman pala sa ilang bahagi ng budget ng 4Ps ay sa good naman pala napunta dahil mga mahihirap na mga Pinoy din ang mga makikinabang dito, period!
◘◘◘
SUNUD-SUNOD NA OIL PRICE HIKE PATUNAY NA ‘DI GINHAWA ANG HATID NG MARCOS ADMIN SA MAMAMAYAN, KUNDI PAHIRAP -- Noong Jan. 9, 2024 ay nagkaroon ng oil price hike na P0.15 sa kada litro ng gasolina, P0.15 sa diesel at P0.10 sa kerosene, at mula noon sunud-sunod na pagtataas ng presyo per liter ng mga produktong petrolyo. Jan. 16 oil price hike (P0.50 sa gasolina, P1.10 sa diesel at P0.90 sa kerosene); Jan. 23 oil price hike (P1.20 sa gasolina, P1.00 sa diesel at P0.30 sa kerosene); Jan. 30 oil price hike (P2.90 sa gasolina, P1.40 sa diesel at P0.70 sa kerosene); Feb. 6 oil price hike (P0.90 sa gasolina, P1.60 sa diesel at P1.00 sa kerosene); at nitong Feb. 13, may pakonsuwelong oil price rollback ang Dept. of Energy (DOE), Energy Regulatory Commission (ERC) at mga oil companies na P0.60 sa gasolina, P0.10 sa diesel at P0.40 sa kerosene, at matapos nga ang baryang rollback na ‘yan, nitong nakalipas na Feb. 20 may oil price hike na naman na P1.60 sa gasolina, P1.10 sa diesel at P1.05 sa kerosene.
Ang laging kaakibat ng oil price hike ay pagtaas ng presyo ng mga bilihin at bayarin, ‘yang sunud-sunod na oil price hike sa ‘Pinas ay patunay na hindi ginhawa ang kaloob ng Marcos administration sa mamamayan, kundi pahirap, period!
◘◘◘
PAHIRAP NANG PAHIRAP ANG PAMUMUHAY NG MAMAMAYAN, PAYAMAN NAMAN NANG PAYAMAN ANG MGA TRAPONG MAY POLITICAL DYNASTY -- Pahirap nang pahirap ang pamumuhay ng mamamayan, at sa kabilang banda naman ay payaman nang payaman ang mga trapong (traditional politicians) may political dynasty.
Walang ibang dapat sisihin dito kundi ang majority botanteng Pinoy, kasi ang dami namang hindi trapo ang kumakandidato, pero ang ibinoboto nila ay mga pulitikong sikat ang apelyido na mga trapo na, may mga political dynasty pa, boom!
◘◘◘
QUIBOLOY, PASTOR NA FEELING GIGOLO -- Pinabulaanan ni Pastor Apollo Quiboloy ang mga akusasyong rape at sexual abuse laban sa kanya, kasi ayon sa pastor ay siya raw ang “pinag-aagawan” ng mga bebot kaya’t wala raw katotohanan ang mga akusasyon sa kanya.
Onli in da ‘Pinas lang ‘yan na may pastor na feeling gigolo, he-he-he!





Comments