Majority bloc, no show sa Senado
- BULGAR

- Jun 2
- 1 min read
ni Mylene Alfonso @News | June 2, 2026

Photo: Sen. Risa Hontiveros
No show ang majority senators kaya hindi nakumpleto ang kinakailangang quorum para maituloy ang plenary session sa Senado kahapon.
Bandang alas-5 ng hapon sana ang sesyon ng Senado na itinakda ngunit wala ni isang miyembro mula sa mayorya ang nagpakita.
Bunsod nito, ang 11 miyembro mula sa minority senators lamang ang pumasok at matiyagang naghintay.
Alas-7 ng gabi nang magdesisyon ang minority senators na umalis na lamang.
Hanggang sa alas-7:30 ng gabi nang kumpirmahin ng staff mula sa opisina ni Senate President Alan Cayetano na wala nang sesyon.





Nakakalungkot yung 11 minority senators na naghintay hanggang alas-7:30 ng gabi para lang sa quorum. Parang naglalaro ako ng casual game sa phone habang naghihintay ng tren - may anticipation, pero biglang mawawalan ng saysay. Ganoon din kaya ang naramdaman nila habang nag-aantay sa session?