top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Maja at Rambo, girl ang first baby

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 1, 2024
  • 1 min read

Updated: Feb 2, 2024

ni Eli San Miguel - Trainee @Entertainment | February 1, 2024




Masayang ibinahagi ng mag-asawang sina Maja Salvador at Rambo Nuñez ang kanilang gender reveal party kamakailan.


Nag-upload si Maja ng isang video sa Instagram na ginawa ng Raconteur Films na nagtatampok ng mga kaganapan sa kanilang gender reveal party.


Puno ang selebrasyon ng mga kilalang personalidad sa isang pribadong resort kung saan kulay puting mga dekorasyon ang nangingibabaw. Mayroong puting lobo, upuan, at kumot patungo sa entablado kung saan ibinunyag nina Maja at Rambo ang gender ng kanilang unang anak na may palayaw na B-Dragon.


Nagsuot ang ilang bisita ng mga kasuotang may kulay na tugma sa kanilang hula. Ang mga bisita na kumpiyansang lalaki ang baby ay nagsuot ng asul, habang ang iba naman ay nagdamit ng pink para sa inaasahang baby girl.


“Kahit ano, kasi si B-Dragon siya,” pahayag ni Maja at pabirong nagsabi ng “Rawr!”


Sa huli, nagtagumpay ang Pink team nang ihayag nina Maja at Rambo ang kasarian ng kanilang anak. Ginawa ito sa pamamagitan ng pagbukas ng isang kahon na naglalaman ng isang relo na may kulay pink sa loob.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page