MAINE, BINABAKURAN SA EB NG FEMALE HOST PARA 'DI MALAPITAN NI ALDEN
ni Nitz Miralles @Bida | March 27, 2023

Tumutok tuloy kami sa Eat… Bulaga! noong present si Alden Richards para malaman kung sino sa female host ng noontime show ang sinasabi ng ilang AlDub fans na bumabakod kay Maine Mendoza para hindi malapitan ni Alden.
Ang paniwala pa ng ilang AlDub fans, kaibigan ni Cong. Arjo Atayde ang female host na bumabakod daw kay Maine.
Kaya lang, wala naman kaming napansin na may humaharang kay Alden na lapitan si Maine. Maayos ang pakikitungo ng isa’t isa, hanggang natapos ang episode.
Hindi naman natukoy kung sino ang diumano’y bumabakod kay Maine.
And speaking of Alden, habang naghihintay ng announcement sa mga gagawing projects sa TV at pelikula, busy muna siya sa pagpo-promote ng mga bago niyang endorsement na ang isa ay detergent.
Noong March 25 naman, kasama si Tim Yap at mga taga-Century Tuna, sumabak si Alden sa kanyang first clean-up drive in saving our seas. Ginawa ang beach and reef clean-up drive sa Mabini, Batangas.
“This is an eye opener for me. Ang sarap sa pakiramdam na sisisid ka sa kailaliman ng dagat tapos pupulot ka ng basura. Iba ‘yung feeling kasi when you just do it on the streets.”
Nabanggit ni Alden na importante rin sa kanya ang pagsuporta sa kampanya na kagaya ng “Savings Our Seas” ng Century Tuna.
“It’s very essential, I think, especially para sa celebrities kasi we have the platform, we have the influence, and we’re able to amplify message that needs to be sent to a lot of people, which is essential for the common good,” dagdag ni Alden.





Comments