Main building ng SSS, nasunog
ni Lolet Abania | August 28, 2022

Sumiklab ang sunog sa Social Security System (SSS) main office building sa East Avenue sa Quezon City bago magmadaling-araw ngayong Linggo.
Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), nasunog ang isang bahagi ng SSS data center na nasa ground floor ng main building na nagsimula bandang alas-2:05 bago
magmadaling-araw habang idineklara ng mga bumberong fire-out dakong alas-5:00 ng madaling-araw.
Batay sa report, ang sunog ay umabot lamang sa unang alarma.
Sinabi naman ng mga arson investigators na ang sunog ay nagsimula sa electrical room ng data center.
Patuloy ang mga awtoridad sa pagsisiyasat sa nangyaring insidente habang inaalam na nila kung may ilang silid pa ang apektado ng sunog at naging sanhi nito.





Comments