top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Maidaraos na… Pasko sa ‘Pinas, iba talaga – P-BBM

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 3, 2022
  • 1 min read

ni Lolet Abania | December 3, 2022



Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ngayong Sabado ng gabi ang Christmas tree lighting sa Kalayaan Grounds sa Malacañang bilang tanda ng Yuletide season.


Sa kanyang mensahe, sinabi ni Pangulong Marcos na ito na muli ang unang Christmas vibes na naramdaman na tila pre-pandemic, dahil sa ang bansa ay nanatili sa mahigpit na COVID-19 restrictions noong nakaraang taon.


“Tatlong taon na tayong hindi nakapag-Pasko na kagaya ng Paskong Pilipino dahil iba talaga ang pagdiriwang ng Pasko kapag nasa Pilipinas ka,” pahayag ng Pangulo.


“We [did] everything that we can to make sure that each child, every Filipino child has a Christmas that is something I think is a good goal for us in this Christmas,” dagdag ng Chief Executive.


Gayunman aniya, sa kabila ng mga hamon ng nakalipas na taon, ang mga Pilipino ay nananatiling “blessed.”


Samantala, nagkaroon naman ng isang fireworks display matapos ang Christmas tree lighting sa Malacañang.


Ang Christmas tree ay napuno ng ilang lokal na gawang parol na sumali sa “Isang Bituin, Isang Mithiin,” isang lantern-making competition na isinagawa.


Kabilang sa mga dumalo sa event ay sina Vice-President Sara Duterte, dating first lady Imelda Marcos, dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, at House Speaker Martin Romualdez.


Ilan din sa mga miyembro ng Cabinet ng Pangulo ang dumalo sa okasyon.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page