top of page

Mahiya naman daw… SMALL LAUDE, HUMIRIT TUNGKOL SA GHOST PROJECT

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 18
  • 3 min read

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | September 17, 2025



Small Laude - Instagram

Photo: Small Laude - Instagram



Bongga ang ginawang pagpaparinig ng YouTuber, fashion and lifestyle influencer at kilala bilang asawa ng entrepreneur na si Philip Laude na si Small Laude tungkol sa ghost project.


Sa latest YouTube video ni Madam Small ay nag-book siya ng robo taxi sa Los Angeles, California. 


Makikita sa nasabing vlog na naghihintay si Madam Small, kasama ang asawang si Philip at dalawang anak na sina PJ at Allison (unica hija), at ang lagi niyang kasama na si Lotlot.


Dalawang minuto bago dumating ang ibinu-book nilang robo taxi ay nag-dialogue si Madam Small ng, "See you in 2 minutes, pero wala namang driver. Ghost driver naman siya. Pero at least, it's not ghost project.”


Dagdag pa ni Madam Small, "Hello, I'm paying my tax properly and then ganyan kayo? Shame on you, guys."


Samantala, pagsakay ni Madam Small sa robo taxi ay makikita sa video na masaya siya sa bagong experience.


'Yun lang, pagbaba ng robo taxi at pagkatapos nilang kumain ay nalaman niyang nawala ang cellphone niya. Naiwan pala niya sa robo taxi at in fairness, naibalik naman sa kanya nu’ng araw ding 'yun.


Well, bongga si ghost driver, nagbabalik ng naiwang cellphone. 



NAGBAHAGI ang professional boxer at former senator na si Manny Pacquiao sa kanyang social media ng larawan nila ng pumanaw na British boxing legend na si Ricky Hatton (RIP).


Nalungkot ang soon-to-be lolo at Pambansang Kamao na si Manny nang mabalitaan niyang pumanaw ang British boxing legend na si Ricky Hatton noong

September 14.


Saad ni Manny sa post niya, "I am deeply saddened to hear about the passing of Ricky Hatton.  


"He was not only a great fighter inside the ring but also a brave and kind man in life.  

"We shared unforgettable moments in boxing history and I will always honor the

respect and sportsmanship he showed. 


"Ricky fought bravely, not just in the ring, but in his journey through life. He truly had a good fight, and we are all blessed to have been part of his wonderful journey. 

"My prayers and deepest condolences go out to the Hatton family and all his loved ones. May the Lord give you strength and comfort in this difficult time. May he rest in peace."


Matatandaan na naglaban sa boxing sina Manny at Ricky noong May 2, 2009 na ginanap sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada, United States.



IBIBIDA ng nation’s girl group na BINI ang kanilang makulay na karanasan sa paglibot sa mundo sa kanilang bagong reality series na BINI World Tour Stories na eksklusibong mapapanood sa iWant simula Setyembre 21 (Linggo).


Ibabahagi ng BINI ang kanilang hindi malilimutang experiences mula sa matagumpay at soldout na BINIverse World Tour 2025, na nagsimula sa Philippine Arena at umarangkada rin sa Dubai (United Arab Emirates), London (United Kingdom), at sa iba’t ibang lungsod sa North America gaya ng Toronto (Canada), Washington D.C.,

Hollywood, at Las Vegas (United States).


Mas makikilala rin ng Blooms ang personal na kuwento nina BINI Aiah, Colet, Maloi, Gwen, Stacey, Mikha, Jhoanna, at Sheena tungkol sa pagharap nila sa iba’t ibang pagsubok gaya ng matagal na pagkakalayo sa pamilya at matinding pressure ng kasikatan.


Mapapanood din sa nasabing series kung paano nanatiling matibay ang kanilang samahan bilang isang grupo, na ngayon ay magkakapatid na ang turingan, walang kupas na passion para sa musika, at inspirasyong hinuhugot mula sa kanilang mga pamilya at fans.


‘Yun lang and I thank you.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page