top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Mahiya naman daw…. SIGAW NG FANS: SHERYL, TIGILAN NA ANG PAGHAHABOL KAY JERIC

  • BULGAR
  • Sep 15, 2021
  • 1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | September 15, 2021



Masakit para sa isang babae na mai-deny ng lalaki kahit na totoong may naganap sa kanilang pagitan. Kahit pa sabihin na short-lived romance lang ang lahat, still, may emosyon na involved.


Tulad ng nangyari kina Sheryl Cruz at Jeric Gonzales na dating magkapareha sa afternoon soap ng GMA na Magkaagaw. Bulung-bulungan sa set noon ng serye ang kakaibang atraksiyon sa isa't isa nina Sheryl at Jeric. Pareho naman silang single kaya walang problema kung na-in love sila sa isa't isa.


Si Sheryl, excited at masaya sa atensiyong ibinibigay sa kanya ni Jeric Gonzales. Kaya ang mga pasalubong sa kanya ng aktor ay ipino-post niya sa social media.


Meron din daw kumalat na video ng mga daring scenes nila ni Jeric sa Magkaagaw na napanood ng marami at si Sheryl ang itinuturong nagpakalat nito.


Ngayon ay todo-tanggi at todo-deny si Jeric Gonzales na may “something special” sa kanila ni Sheryl Cruz. Kaibigan lang daw ang turing niya sa kanyang kapareha sa Magkaagaw.


Well, masakit siyempre ito para kay Sheryl. Parang pinalalabas pa na nag-iilusyon lamang siya sa relasyon nila ni Jeric Gonzales.


Kaya ang payo ng mga fans niya na nagmamalasakit ay tigilan na ang paghahabol kay Jeric. Bata pa naman si Sheryl at maganda. Hindi pa siya matronang desperada. Makakatagpo pa siya ng isang lalaking magmamahal sa kanya nang totoo at magiging proud sa kanya.


Bigyan niya ng dignidad ang kanyang sarili.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page