Search
  • BULGAR

Mahirap daw mahalin... LEA, TODO-LAIT SA 'PINAS, AYAW NAMANG LUMAYAS!

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | June 23, 2020




IMBIYERNA ang mga netizens kay Lea Salonga dahil sa post nito sa social media na "Dear Pilipinas, put*** ina, ang hirap mong mahalin!" na parang pinalalabas na hopeless na ang ating Inang Bayan at puro kahihiyan na lang ang nababalita sa ating bansa.

Eh, bakit tumagal pa siya sa 'Pinas at hindi na lang namalagi sa Amerika pagkatapos niyang lumabas sa Miss Saigon? Ikinahihiya ba niya ang kanyang pagiging Pinoy?

Umani lang siya ng parangal abroad at nabigyan ng break sa Broadway ay ang taas-taas na ng pagkilala niya sa kanyang sarili. Kaya tuloy nasasabihan siyang "dugong Kano, ugaling Kano" dahil sa kanyang mga comments tungkol sa 'Pinas. Inglesera nga siya, 'di ba?

Eh, hindi lang naman siya ang artist na nagbigay ng karangalan sa ating bansa. Nariyan din sina Freddie Aguilar, Pilita Corrales, Lani Misalucha, atbp.. Pero, never silang nag-comment na mahirap mahalin ang 'Pinas.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.