top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Mahihirap na lolo’t lola, tiyaking may monthly pension

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 24, 2024
  • 1 min read

@Editorial | Enero 24, 2024


Simula sa susunod na buwan, makatatanggap na ng P1,000 buwanang pensyon ang mga mahihirap na senior citizen na benepisyaryo ng Social Pension ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).


Ang pondo ay nakalakip sa DSWD 2024 budget, base na rin sa Republic Act 11916 o ang Act Increasing the Social Pension of Indigent Senior Citizens.


Sa ilalim ng RA 11916, ang pagbibigay ng 100% increase sa buwanang pension ng mga indigent senior citizens mula P500 hanggang P1,000 ay layong matulungan ang nakatatanda na makaagapay sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin.


Maituturing na eligible sa programa ang isang senior kung siya ay hindi tumatanggap ng monthly pension mula sa Social Security System (SSS), Government Service Insurance System (GSIS), Philippine Veterans Affairs Office (PVAO), Armed Forces and Police Mutual Benefit Association, Inc. (AFPMBAI), o sa kahit na anong private insurance company.


Sa ngayon, kabuuang 4,085,066 indigent senior ang sakop ng social pension program para sa taong 2024.


Masasabing kahit paano ay makakadagdag panggastos sa mga lolo’t lola ang dagdag-P500. Ilang pirasong gamot o pagkain na rin ang mabibili. Gayunman, may mga reklamo na ‘di nakakatanggap ng pensyon o napakabagal umano ng proseso bago sila mapabilang sa listahan. Bagay na dapat i-check at tutukan ng mga kinatawan sa DSWD.


Kailangang matiyak na lahat ng mahihirap na senior citizen ay mabigyan ng pensyon dahil ‘yan ay napaglaanan na ng pondo.


Kahit man lang sa ganitong paraan ay naipapakita natin sa kanila na sila’y mahalaga at kinakalinga ng pamahalaan.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page