Mahigpit na vape bans sa Asia maaaring nagtutulak sa illegal markets — experts
- BULGAR

- 5 hours ago
- 3 min read
ni Chit Luna @News | March 16, 2026

File : FP
Ayon sa ilang international health advocates at policy experts, ang mga pagbabawal sa smoke-free nicotine alternatives ay maaaring nagdudulot ng paglago ng illicit markets, pagbaba ng tax revenues ng gobyerno at pagbabalik ng ilang consumers sa tradisyunal na sigarilyo.
Batay sa ebidensya mula sa iba’t ibang bansa, ang mga regulasyon na layong protektahan ang public health ay maaaring nagkakaroon ng unintended consequences kabilang ang patuloy na mataas na smoking rates.
Sa Southeast Asia, lumalawak ang illegal vape markets sa mga bansang may mahigpit na bans o restrictions. Ipinagbabawal sa Thailand, Singapore, Vietnam at Cambodia ang pagbebenta o pag-angkat ng e-cigarettes, ngunit ayon sa mga ulat at pag-aaral ay nananatiling accessible ang mga produkto sa pamamagitan ng illegal channels.
Sa Singapore, kung saan ipinagbawal ang vaping noong 2018, isang pag-aaral sa journal na Drug and Alcohol Review ang nag-ulat ng patuloy na “illegal vaping culture” kahit may mahigpit na penalties at enforcement. Sa Thailand naman, iniulat ng Bangkok Post noong Pebrero 2023 na nananatiling malawak ang availability ng vaping devices kahit may umiiral na ban.
Sinabi ni Dr. David Khayat, professor sa Pierre et Marie Curie University at dating adviser ni French President Jacques Chirac, na maaaring hindi na sapat ang mga dekada ng taxation at health warnings. Sa isang conference sa Dubai noong 2025, inihalintulad niya ang kasalukuyang nicotine bans sa prohibition era sa Estados Unidos noong 1920s.
“When you try to prohibit it, what's going to happen is mob, mafia, illicit trade and everything,” Khayat said.
Ayon sa Global State of Tobacco Harm Reduction (GSTHR) report, patuloy na nagdudulot ang tobacco ng humigit-kumulang 8 milyong pagkamatay bawat taon sa buong mundo. Sa ulat, binanggit na nananatiling mataas ang smoking prevalence sa low- and middle-income countries kung saan nakatira ang karamihan sa mga smokers.
Binanggit din sa report na ang mataas na buwis at outright bans ay maaaring magdulot ng impresyon na kasing panganib ng sigarilyo ang smoke-free alternatives. Ang ganitong “misperception of harm” ay maaaring pumigil sa mga smokers na lumipat sa lower-risk alternatives habang itinutulak ang bentahan sa unregulated markets.
Ayon kay Dr. Lorenzo Mata Jr., presidente ng Quit for Good, hindi pa nagdudulot ng makabuluhang pagbabago ang kasalukuyang global anti-smoking strategies.
“Smoking rates remain high, particularly in low- and middle-income countries where smokers are denied better alternatives to cigarettes due to the strategy promoted by the WHO. This also results in widespread smuggling and illicit trade,” Mata said.
Ipinapakita ng datos ng World Health Organization na umabot sa 1.25 billion ang global tobacco users noong 2022, halos dalawang dekada matapos ipatupad ang Framework Convention on Tobacco Control.
Sa India, ipinagbawal ang vaping noong 2019 sa ilalim ng Prohibition of Electronic Cigarettes Act ngunit nananatiling available ang mga unregulated devices sa informal channels. Ayon kay consultant cardio-endocrine physician Dr. Rohan Andrade Sequeira, limitado ang tagumpay ng nicotine replacement therapy para sa 250 milyong tobacco users sa bansa.
“There's no way out for these patients who are suffering from behavioral patterns of using tobacco or nicotine,” Sequeira said.
Sinabi ni Kurt Yeo, co-founder ng Vaping Saved My Life (VSML), na nagiging mahirap ang pagtigil sa paninigarilyo sa ilang African countries dahil sa kakulangan ng cessation support at sa malawak na illicit cigarette trade.
Binanggit ni JP Solis, presidente ng Science and Innovation Nicotine Advocacy Group (SINAG), ang lumalaking pagkakaiba ng policy approaches sa pagitan ng Western at Asian countries.
“Instead of reducing nicotine use, the restrictions appear to be shielding or indirectly promoting cigarettes, causing smoking rates to level off or potentially increase as users revert to combustible cigarettes,” Solis said.
“These restrictions can often push consumers towards illicit products while discouraging the development of innovative and less harmful technologies. A balanced approach would protect consumers far more than blanket bans,” he noted.
Isang pag-aaral mula sa University of Queensland ang nagpakita ng pagkakaiba sa policies ng Australia at New Zealand. Habang mahigpit ang restrictions sa nicotine vapes sa Australia, pinapayagan naman ang regulated adult sales sa New Zealand. Natuklasan ng pag-aaral na bumaba ng 10 percent bawat taon ang daily smoking sa New Zealand mula 2016 hanggang 2023, kumpara sa 5 percent decline sa Australia.
Ayon kay Dr. K. Michael Cummings ng Medical University of South Carolina, ipinapakita ng ebidensya mula sa United States, England at Sweden na ang regulated access sa lower-risk nicotine products ay maaaring magpabilis sa pagbaba ng cigarette use.




Comments