top of page
Gary V. - IG.jpg

Mahigpit na inspeksyon sa mga bus terminal

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 22, 2023
1 min read

@Editorial | November 22, 2023


Kasunod ng insidente ng pamamaril sa loob ng bus noong nakaraang linggo, nadagdagan tuloy ang pangamba ng mamamayan sa kanilang kaligtasan habang nasa biyahe.


Dahil dito, aatasan ng Philippine National Police Supervisory Office for Security and Investigation Agencies (PNP-SOSIA) ang mga security agency na mahigpit na bantayan ang mga transport terminal.


Mahalaga umanong isailalim ang mga pasahero at ang kanilang mga bagahe sa mahigpit na inspeksyon.


Tinitingnan din kung ang mga K9 unit na naka-deploy sa mga terminal ay may kakayahan bang mag-detect ng mga kahina-hinalang gamit.


Binalaan na rin ang mga security guard at ang kanilang agencies na maaari silang makasuhan kung mapapatunayang sila ay nagpabaya.


Huwag na sana maulit pa ang nangyaring insidente sa loob ng bus kung saan may buhay na nawala.


Paalala sa mga otoridad, maging mas alerto sana sa mga nangyayaring krimen at gawin nang maayos ang kanilang trabaho dahil palaisipan pa rin kung paano nakalusot ang armas ng mga bumaril sa loob ng bus.


Umaasa tayo na magpapatuloy pa ang mahigpit na seguridad sa mga bus terminal dahil kaligtasan ng mga pasahero ang nakataya rito.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page