Mahigit 200 pairs na raw ang koleksiyon… P200 K PLUS, ISANG SAPATOS LANG NI RAFFY TULFO
- BULGAR

- Aug 26, 2020
- 1 min read
ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | August 26, 2020

Naging shoe conscious na ngayon ang news anchor na si Raffy Tulfo matapos punahin ni Kris Aquino ang kanyang suot na rubber shoes noong mag-meet ang dalawa sa studio ng TV5 nu'ng bumisita si Kris kaugnay ng kanyang show doon.
Pinuna ng Queen of all Media na hindi nag-uulit ng sapatos ang host ng Idol Ko si Raffy sa TV5, tuwing 11 AM.
Pag-amin naman ni Raffy, more than a year na pala nang umpisahan niya ang pangongolekta ng branded shoes at sa ngayon ay may 200 pairs na siya nito.
Meron daw siyang sneaker collection mula Gucci, Versace, Balenciaga, Givenchy, Louis Vuitton, Christian Louboutin, Dolce & Gabbana at Jimmy Choo.
Sa panayam kay Raffy ng Cabinet Files ng PEP.ph, hindi niya ipinagkailang ang kanyang Jimmy Choo diamond-encrusted shoes ang pinakamahal.
"My most expensive pair of shoes is 'yung Jimmy Choo which costs mga P200,000-plus,” sabi ni Raffy.
Natutuwa ang broadcaster dahil napapansin ng publiko ang kanyang branded shoes, na nakahiligan niyang gawing koleksiyon.
Ang Balenciaga shoes na nagkakahalaga ng hindi bababa sa P48,000 ang paborito raw gamitin ni Raffy dahil komportable sa paa.
Parang mga anak daw ang trato ni Raffy sa mga sapatos na inaalagaan niyang mabuti at tinatakpan ng malaking tela para hindi kapitan ng alikabok.
Sa katunayan, nagpapagawa siya ng bahay na may pitong kuwarto sa Scout area sa Quezon City, at nakalaan lamang para sa shoe collection nito ang isang buong kuwarto roon.





Comments