top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Maharlika Corp., oks sa P125-B capitalization scheme

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 4, 2024
1 min read

ni Eli San Miguel - Trainee @News | January 4, 2024




Nagdaos ng unang board meeting ang Maharlika Investment Corp. (MIC), isang pampublikong kumpanya na pagmamay-ari ng gobyerno at namamahala sa unang sovereign wealth fund ng bansa, upang talakayin ang capitalization ng Maharlika Investment Fund (MIF).


Sa isang pahayag ngayong Huwebes, inanunsiyo ng Department of Finance (DOF) na nagkaroon ng unang pulong ang MIC noong Enero 3, 2023. Sa pagtitipon na ito, inaprubahan ng Board of Directors ng pampublikong kumpanya ang capitalization scheme na umaabot sa P125 bilyon.


Kumakatawan ang halaga sa pagsisimula ng capitalization ng MIF na mula sa state lenders tulad ng Land Bank of the Philippines at Development Bank of the Philippines, kasama ang mga kontribusyon mula sa gobyerno na nagmumula sa dividends ng Bangko Sentral ng Pilipinas, bahagi nito mula sa kita ng PAGCOR, at iba pang pinagmulan tulad ng royaltya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page