top of page
Search
BULGAR

Magulang, inaway para kay Chloe… "KINARMA NA AKO" — CARLOS

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | Sep. 24, 2024



Showbiz news

Sa unang pagkakataon ay nagsalita na si Carlos Yulo, ang gymnast na ipinagmamalaki ng Pilipinas dahil sa nakuha nitong dalawang medalyang ginto sa nakaraang 2024 Paris Olympics, sa Toni Talks vlog sa YouTube (YT) channel ni Toni Gonzaga-Soriano.


Kaliwa’t kanan kasi ang bashing kay Carlos dahil hindi nito kinikibo o kinakausap ang pamilya, lalo na ang inang si Ginang Angelica Yulo dahil sa pera at pagtutol sa karelasyon niyang si Chloe San Jose.


Sey ni Toni ay maraming nagbubunyi at bumabati kay Caloy, pero sa kabila ng lahat ng ito ay kontrobersiyal naman siya dahil sa pamilya niya.


Reaksiyon ng binata, “Sa mga nagko-congratulate sa ‘kin, talagang nagpapasalamat po talaga ako. Grateful ako na isine-celebrate nila ‘yung panalo ko.


“Sa mga taong nanghuhusga, kilala ko naman po kasi ‘yung sarili ko. Alam ko kung ano ‘yung ginawa ko.


“Malinis ‘yung kunsensiya ko. Hindi naman nila ako kilala, ‘di naman nila nakita kung paano ako nag-training. So, lahat po talaga, hindi ako natatamaan, ‘di tumutusok at all.”


Ayon kay Carlos ay hindi na niya papatulan ang mga bashers niya dahil hindi naman siya personal na kilala ng mga ito kahit pa dyina-judge na ang buong pagkatao niya.

Aniya, “Alam ‘yun ni Lord. Kahit gaano pa ako kagaling na tao sa gymnastics, kahit gaano pa ako naghirap sa mga preparation ko, kung ‘di ako mabuting tao, ‘di ako ibe-bless nang ganu’n, eh.”


 

Kahit pinayuhang makipagbati na sa future biyenan… 

CHLOE: PAG-AAYOS NAMIN NG NANAY NI CARLOS, IMPOSIBLE 


Chloe Anjeleigh San Jose

Tanong ni Toni kay Carlos, “Ganito na lang ang gagawin natin para kahit papaano, magkaroon ng konting linaw. Kasi we are hearing one side of the story, but you are not sharing your side of the story. Bakit?”


Sagot ni Carlos, “Personal po kasi masyado, eh. Like, ‘di na rin po para malaman ng tao, ng buong sambayanan ‘yung nangyari. Basta ako, alam ko po sa sarili ko, sa puso ko na napatawad ko sila and inamin ko sa sarili ko na nagkamali ako.”


Kasunod nga nito ang pag-amin ni Carlos na minalas siya.


“Kinarma na ako kasi mali nga naman na sagutin mo sila nang ganu’n, na siyempre, emosyonal ka na po, eh. Gusto mong ipaglaban ‘yung sarili mo and ‘yung relationship n’yo. Alam ko kung ano ‘yung mali ko, tinanggap ko ‘yun, ipinagdasal ko ‘yun kay Lord, humingi ako ng tawad,” pagtatapat ni Carlos.


Samantala, may nagpayo naman kay Chloe San Jose na sana ay makipagkasundo na sila sa magulang ni Carlos para lalo silang mabigyan ng blessings ni God.


Sagot kaagad ni Chloe, “Reunion and compromise isn’t going to happen when the other party’s not willing to do so too.”


Matatandaang nagkaroon ng parinigan ng masasakit na salita sa pagitan ng ina ni Carlos Yulo at ni Chloe San Jose, bagay na naging dahilan kaya openly sinabi ng nanay ng Pinoy champion na ayaw niya ang karelasyon ng anak.


 

KAHAWIG nga ba ng I Heart PH host na si Valerie Tan ang singer/actress/vlogger na si Toni Gonzaga-Soriano at pati sa style ng hosting ay pareho rin?


Isa ito sa mga binanggit kay Valerie sa nakaraang mediacon para sa 9th Season ng programa niyang I Heart PH na napangiti siya at sinabing maraming beses na niya itong narinig.


Sey ni Valerie, “She’s an amazing host and actress as well, and to me it’s a compliment na naaalala nila si Toni when they see me.”


Oo nga, hawig naman talaga, lalo na sa buhok at ang pagiging tsinita nilang pareho.

Anyway, nagsimula nang mapanood ang 9th Season ng I Heart PH nu'ng Linggo, Setyembre 22, sa GTV sa ganap na 10 AM.


Good vibes ang hatid ng programang I Heart PH dahil ipapakita ang ganda ng Pilipinas para na rin sa pag-unlad ng turismo ng bansa.


Sabi ng TV8 Media producer na si Vanessa Verzosa, “Our country is blessed with amazingly beautiful natural resources and environment. That’s why we never run out of features. There are still more beautiful places that  have never been featured in the mainstream media. And we want to showcase them through our program.”


Sa CNN umere ang I Heart PH sa loob ng 8 years at dahil nawala na ang nasabing network, kaya lumipat na ito sa GTV.

Kaya natanong si Valerie kung ano ang feeling na balik-Kapuso siya dahil dito siya nadiskubre sa reality show na May Trabaho Ka (MTK) at kinuhang host.


Aniya, “I will be forever grateful to GMA, the Network paved the way to my dream job as I get to do what I love since I was a kid. Now, I get to travel around, seeing  beautiful places and meeting people from all walks of life. Connecting with them, and sharing their stories to our viewers.”


Sa 9th Season ay ipapakita ang ganda ng Bohol na kilala dahil sa Chocolate Hills, tarsiers, heritage sites, old stone churches at iba pang natural and man-made wonders.


Sey ng direktor ng programa na si Jallawee Beritan, I Heart PH is not just about travel, it’s all about the Pinoy lifestyles. For this new season, the magazine focuses on one of human’s basic necessities — shelter.”


Kasama naman ni Valerie bilang co-host si Rovilson Fernandez na kilala sa mga programang Ang Pinaka (2005-2020) na umere sa QTV at GMA news kasama si Pia Guanio, Asia’s Got Talent (2015-2019) at Dare Duo with Marc Nelson since 2009. 

0 comments

コメント


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page