top of page

Habang naghihirap daw ang bayan… DJ CHACHA SA MGA PULITIKO: 3 WEEKS NO SALARY

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 4 days ago
  • 3 min read

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | March 15, 2026




TALKIES - DJ CHACHA SA MGA PULITIKO: 3 WEEKS NO SALARY/IG @_djchacha

Photo: IG @djchacha



“No salary muna sa mga nasa gobyerno habang naghihirap ang bayan,” ang panawagan ng broadcast journalist na si DJ Chacha sa kanyang Instagram (IG) post para sa mga nasa gobyerno.


Ani DJ Chacha, “Puwede ba nating no salary muna sa mga halal ng bayan for two or three weeks for the meantime habang naghihirap ‘yung ating mga tao, habang lubog tayo ngayon sa kahirapan dahil sa sitwasyon natin?


“Suggestion lang po, kung gusto talaga nating makatulong sa mga motorista habang tumataas ang presyo ng langis… baka naman suweldo muna ng mga pulitiko ang i-hold for two to three weeks.


“Tutal, lingkod-bayan naman kayo, ‘di ba? Pakita naman natin sa publiko na tuloy ang serbisyo kahit walang sahod.


“After all… karamihan naman sa inyo, mayayaman na. ‘Di naman siguro kayo magugutom kung dalawang linggo, walang sahod.


“Challenge lang: public service without salary, kaya po ba?


“Kasi kung ang suggestion ay ‘No apprehension muna sa violations,’ parang ang dating ay okey lang lumabag sa batas basta naghihirap ang lahat.


“Eh, di mas maganda siguro kung no salary muna sa mga nasa gobyerno habang naghihirap ang bayan. Tingnan natin kung sino talaga ang handang magsakripisyo.”


Well, pakihulaan na lang Madam-Damin kung sino ang handang magsakripisyo ng kanilang suweldo nang mga tatlong linggo.





Magpi-50 na… GENEVA, 33 YRS. BAGO NAKA-GRADUATE NG COLLEGE



NAKA-GRADUATE na ng college ang singer-actress na si Geneva Cruz matapos ang 33 years, base sa ibinahagi niyang larawan sa kanyang Facebook (FB) page.


Sey ni Geneva, “As I approach my golden age in less than a month, I realize that some of my dreams are still coming true. Thirty-three years in the making, but I finally did it. Look, Ma, I’m now a college graduate.





“This is for nineteen-year-old Gen, who had to grow up fast and work hard after choosing to become a young mom. Thank you for being brave and for finally learning to love yourself.”


Congratulations, Geneva Cruz!





MAY panalangin ang aktor at senador na si Robin Padilla para sa mga seaman na kasalukuyang nasa barko.


Saad ni Sen. Robin, “Nag-aalala ako sa mga seaman sa mga barko r’yan. Walang pinipiling biktima ang mga ginagamit na bomba r’yan.


“O aming maawaing Diyos, pangalagaan ninyo po nawa ang kaligtasan ng mga naghahanapbuhay lamang sa mga barko, maging mga Pilipino man o hindi.


“Mananawagan na rin ako sa ating gobyerno. Dalawang oil tanker ang na-target sa ship-to-ship transfer malapit sa Al-Basrah Oil Terminal ng Iraq sa Persian Gulf.


Anyway, keep safe sa lahat ng mga OFWs (Overseas Filipino Workers) all over the world.

‘Yun lang, and I thank you.





UMAAPAW na kilig at kasiyahan ang mararamdaman ng mga fans sa A.S.A.P. ngayong Linggo (Marso 15) sa hatid nitong bonggang performances at surprises, sa pangunguna ng mga bida ng The Alibi (TA) na sina Kim Chiu at Paulo Avelino, Donny Pangilinan at Belle Mariano, at Pinoy Big Brother Celebrity Collab 2.0 (PBBCCE2.0) Kapamilya Big 4.


Hindi dapat palampasin ng mga fans ang inihandang sorpresang performance ng mga bida ng TA na sina Kim at Paulo.


Huwag ding palalampasin ang pasabog na opening party mula kina Ogie Alcasid, Erik Santos, Yeng Constantino, Donny, Belle, Darren, Maymay Entrata, Kyle Echarri, Alexa Ilacad, Kai Montinola, Jona, Jane De Leon, Jason Dy, Sofronio Vasquez, kasama ang G-Force, Horns Section, at MNVRS Ignite.


Makikulitan at chikahan sa PBBCCE2.0 Kapamilya Big 4 na sina Miguel Vergara, Joaquin Arce, Krystal Mejes, at Big Winner na si Lella Ford, kasama ang A.S.A.P.

hosts.


Tutok na sa pinakamatagal at award-winning musical variety show ng bansa na A.S.A.P. sa Kapamilya Channel sa ALLTV2. Mapapanood din ito sa Kapamilya Online Live, Jeepney TV, A2Z, iWant, at TFC.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page