top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Magulang at gobyerno, magtulungan vs. measles outbreak

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 9, 2020
  • 2 min read

ni Ryan Sison - @Boses | October 9, 2020



Kailangan pa lalong mag-ingat ng mga magulang.


Ito ang babala ng Department of Health (DOH) matapos sabihin na posibleng magkaroon muli ng measles o tigdas outbreak sa susunod na taon.


Base sa mga datos, ngayong 2020, bumaba ang kaso ng tigdas na umabot sa 4,624, ngunit lumagpas sa epidemic threshold ang mga rehiyon ng Mimaropa (Mindoro, Marinduque, Rombol at Palawan) at Caraga.


Napag-alamang may magkakaparehong lugar pagdating sa hotspot ng measles at COVID-19 para sa taong 2019 at 2020.


Nais ng DOH na makontrol ang hawaan ng tigdas gayung naging “top exporter” ng Pilipinas o isa sa mga bansang pinakanagkakalat ng tigdas sa ibang bansa noong 2018 at 2019.


Matatandaang noong 2013, sinabi ng World Health Organization (WHO) na 145,700 ang namatay sa tigdas.


Samantala, maliban sa tigdas, hindi pa rin nakokontrol ng DOH ang pagkalat ng vaccine-derived polio, kaya balak ng kagawaran na magsagawa ng Measles, Rubella and Oral Polio Vaccine supplemental immunization activity (MR-ORP SIA) na makapipigil sa parating na outbreak.


Kung nakikita na ang puwedeng mangyari sa susunod na taon, dapat ngang ngayon pa lang ay paghandaan na ito, lalo na kung kabataan ang labis na maaapektuhan.


Gayunman, bagama’t naniniwala ang gobyerno na dahan-dahan nang bumabalik ang tiwala ng mga Pilipino sa pagpapabakuna matapos ang isyu ng Dengvaxia, may mangilan-ngilan pa ring natatakot.


Panawagan sa mga magulang, ‘wag tayong matakot para sa ating mga anak.


Makipagtulungan tayo sa gobyerno at magtiwala na gagawin nila ang lahat upang hindi sila mapahamak.


Ngayong nakita natin ang kahalagahan ng paghahanda, gawin natin ito hangga’t maaga.

Ito’y hindi lang para sa ating mga anak kundi pati sa iba pang kabataan.

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page