top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Magsisimula na ang mass vaccination sa bansa, mauna na ho kayo!

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 23, 2021
1 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | January 23, 2021



Wala nang duda, sa Marso na magsisimula ang mass vaccination sa Pilipinas.


Sige, mauna na kayo!


◘◘◘


Tumataas ang presyo ng bilihin.


Matuwa kayo.


Ibig sabihin ay may pambili pa ang mga Pinoy!


◘◘◘


Malungkot kayo kapag biglang bumaba ang presyo ng mga bilihin.


Ibig sabihin niyan ay wala nang salapi na hawak ang mga konsyumer!


◘◘◘


Ang presyo ay nakabatay palagi sa “law of supply and demand”.


Kapag malakas ang demand, ibig sabihin—may pambili ang mga tao—nauubos agad ang suplay—kaya’t tataas ang presyo!


◘◘◘


Kapag marami ang suplay dahil walang pambili ang tao, kusang babagsak ang presyo.


Kapag sumobra ang taas ng presyo—at nilangaw ang paninda, kusang bababa ang presyo.


Ibabargain ang presyo kaysa mabulok ito!


◘◘◘


Isinarado na ang mga oil refinery sa bansa — at aasa ang Pilipinas sa imported oil.


Dahil kakaunti ang demand, hindi ito gaanong napapansin.


Pero, sa aktuwal — ‘yan ang nagpapataas ng presyo ngayon ng langis!


◘◘◘


Habang nagiging normal, lalakas ang demand sa petrolyo — at dahil walang refinery, asahan ang paglobo ng presyo sa merkado.


Ang paglobo ng presyo ng langis ay sintomas na sumisiglang industriya.


Pero, kakambal niyan ang krisis sa petrolyo sa Pilipinas!


◘◘◘


Absuwelto si Sen. Koko Pimentel sa reklamong paglabag sa health protocol laban sa COVID.


As expected!


◘◘◘


Malinaw ang desisyon ng hukuman: Hindi puwedeng ikalaboso ang mga lumalabag sa health protocol.


Totoo ba ‘yan?


◘◘◘


Tumitindi ang second wave ng COVID sa ibang bansa.


Sa Pilipinas ay hindi pa gaanong apektado ng bagong COVID variant.


Sa ngayon!


◘◘◘


Tinamaan ng magnitude 7 earhquake ang Davao.


Talaga bang ganyan, puro “Davao, Davao, Davao” na lang?


Mga juicy position sa gobyerno ay panay “Davao”, kahit sa lindol, Davao pa rin?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page