Magsasama sa Paris, Daniel… KATHRYN-JAMES, TANGGAP NA NG MGA FANS
- BULGAR

- Aug 30
- 3 min read
ni Nitz Miralles @Bida | August 30, 2025

Photo: Dreamscape PH - IG
Nag-photoshoot na sina Kathryn Bernardo at James Reid para sa pagtatambalan nilang primetime series sa Kapamilya Channel. Excited, masaya at kinikilig ang mga fans ng dalawa na magtatambal sila for the first time.
Kahit nga wala pang in-announce ang Dreamscape Entertainment kung ano’ng project ang gagawin nina Kathryn at James, excited na ang mga fans.
Mga comments na, “Bagay sina Kathryn at James,” “The long wait is over,” “Kinikilig na ako para sa kanila,” “Grabeng mga face card ‘yan,” “Magwe-wait talaga ako,” at “Lakas din,” ang ilan sa mga mababasa.
Happy ang mood ng lahat at waiting na lang sila sa announcement ng ibang detalye sa series nina Kathryn at James. Primetime comeback ito ni James at ngayon pa lang, tinawag na silang ‘powerhouse tandem’.
Una nang nabalita na magsu-shoot sa ibang bansa ang series nina Kathryn at James at nabanggit pa nga na sa Paris sila pupunta. Mas lalong na-excite ang fans dito at sana raw, hindi lang sa France sila mag-shoot, pati sa ibang bansa.
Pinag-aawayan ng mga fans ni Barbie Forteza at ng BarDa fans nila ni David Licauco kung sino kina David at Jameson Blake ang kasama ng aktres sa isang bookstore sa BGC, Taguig na nagtse-check ng books sa shelves.
Sa outfit ni Barbie, parang galing sa pagtakbo at kung takbo ang pag-uusapan, si Jameson ang kanyang nakakasama.
Kaya lang, walang ipinakitang kasama si Barbie at ang nag-caption pa ng post ng picture ng aktres ay ang kasama sa kanyang glam team na si Janra.
Sabi ni Janra: “With my bookstore date @barbieforteza,” at may kasunod pang “Hindi na-manifest ng running outfits natin ang good weather.”
Naka-running shorts at nakasuot ng hoodie si Barbie at may nakunang picture ng isang guy na nakasuot din ng hoodie, parehong kulay sa suot ni Barbie. Ang larawang iyon ng guy ang pinag-aawayan at pinagtatalunan ng BarDa fans at solo fans ni Barbie.
Ipinipilit ng ilang BarDa fans na si David ang kasama ni Barbie at may nagsasabi namang si Jameson ‘yun dahil pareho silang bookworm at parehong tumatakbo.
‘Yun pala, si Janra ang kasama ng aktres.
Anyway, may nabasa kaming bumitaw na sila sa BarDa, si Barbie na lang daw ang susuportahan nila at welcome sa kanila kahit sino ang makapareha ni Barbie.
Sa Kontrabida Academy (KA) na streaming sa Netflix this September, si Jameson ang kasama ni Barbie at sila naman ni Eugene Domingo ang lead.
Ang iba naman ay si David na lang ang susuportahan lalo na’t malapit na ang action series nila ni Jillian Ward na Never Say Die (NSD) at may gagawin pa raw silang pelikula.
Siguro naman, hindi tuluyang mawawala ang BarDa love team, magpapahinga lang at kapag may right project, ibabalik uli ng GMA.
Saka, guest si David sa Beauty Empire (BE) na inaabangan ng mga fans.
May ‘K’ daw magreklamo dahil malaki ang bayad sa tax… SIGAW NG NETIZENS: VICE, MURAHIN ANG MGA KORUP NANG MA-STROKE
MABILIS nag-viral ang Instagram (IG) Story post ni Vice Ganda at ipinag-react ng mga netizens. Maiksi lang ang sinabi niya, pero dahil sa nangyayari ngayon sa bansa patungkol sa korupsiyon, agad nag-viral.
Ipinost ni Vice ang ulam nilang magkakasama sa London para sa ASAP at makikita ang adobo, may chicken pa yata at isa pang ulam na hindi namin matantiya kung ano.
Marami ang nag-comment na may karapatang magreklamo si Vice dahil isa siya sa mga celebrities na malaki ang ibinabayad na tax sa BIR.
Naaliw lang kami sa comment na lagi raw murahin ni Vice sa TV ang mga corrupt para ma-stroke. May nag-suggest pa na huwag nang magbayad ng tax sina Vice Ganda at iba pang celebrities.
Gusto naman ng isang nag-suggest na netizen na makulong siya at ang iba pang hindi magbabayad ng tax.
Binati sa b-day…
PANCHO, ‘MOMMAH’ PA RIN ANG TAWAG KAY MAX KAHIT HIWALAY NA
MAGANDA ang paghihiwalay nina Max Collins at Pancho Magno dahil nagagawa nilang batiin ng happy birthday ang isa’t isa.
Nanguna nga ang pangalan ni Pancho sa mga bumati kay Max na birthday noong August 28.
Sa post ni Max ng kanyang birthday celebration, ang greetings ni Pancho ay “Happy Birthday, Mommah,” bagay na ikinatuwa ng mga netizens.
Kapag si Pancho naman ang nag-birthday, may birthday greetings din sa kanya si
Max.
Sabi tuloy ng mga netizens, sana, lahat ng mga naghihiwalay ay gaya nina Max at Pancho na maayos ang relasyon at nananatiling magkaibigan.








Comments