Magpi-15 yrs. nang nagsasama, ‘di pa raw ready… JULIA, GUSTO NANG PAKASALAN NI COCO, UMAYAW
- BULGAR

- Jun 28
- 3 min read
ni Janiz Navida @Showbiz Special | June 28, 2026

Photo: CocoJul
Inamin ni Julia Montes na gusto naman pala siyang pakasalan ng long-time partner na si Coco Martin pero siya raw ang hindi pa ready.
Sa panayam ni kapatid na Ogie Diaz sa mga bida ng Sigabo action series sa kanyang YouTube vlog, diretsahan niyang tinanong sina Coco at Julia kung kasal na ba ang mga ito o may balak pa lang magpakasal dahil “Nanay” at “Tatay” na nga ang tawagan nila at nadulas pa si Coco nang sabihing “Ako ang bahala sa ating pamilya”.
Bukod dito, magpi-fifteen years na rin palang magkarelasyon sina Coco at Julia.
Natawa muna ang dalawa at inako ni Julia ang pasagot.
Sabi ng aktres, “Ako ang sasagot. Kasi sabi ko sa kanya, ‘wag tayong magpa-pressure kasi una, bata pa naman kami. Tapos naniniwala naman po ako na siyempre, gusto nating mabasbasan. Pero at the same time, meron pa kaming dapat gawin. Ayaw naming i-pressure ‘yung sarili namin. Mas naniniwala kaming ‘Eto, maayos tayo. Nasa center natin si God.’ And then, go with the flow muna.”
Sinabihan daw ni Julia si Coco na ‘pag may nagtanong sa kanila, sabihing siya ‘yung nagpapa-hold ng kasal.
Katwiran ng aktres, “Kasi bata pa ako. Ayoko namang parang dahil ‘andito na tayo sa sitwasyon na ‘to, dahil nasa tamang edad na tayo, enter na agad sa ganu’ng factor.”
May mga kaibigan daw sila na kung kelan nagpakasal, saka nagkaproblema, kaya may takot daw si Julia na baka mangyari rin sa kanila ‘yun ni Coco.
Basta sa ngayon daw, masaya sila sa kung ano’ng meron sila.
Samantala, proud na proud si Coco Martin na napakasuwerte raw niya kay Julia dahil hindi ito mapang-abuso lalo na sa usaping pinansiyal.
Kuwento nga ni Coco, lahat ng gastos nila sa bahay, naka-record at pinapipirmahan pa sa kanya ni Julia para raw alam niya kung saan napupunta ang kanyang pera.
Si Julia rin daw ang gustong magkaroon sila ng prenup kung sakaling ikakasal sila dahil gusto itong maprotektahan kung anuman ang naipundar ni Coco.
Napaka-ideal talaga ng pagsasama nina Coco at Julia at talagang swak sila sa isa’t isa dahil pareho silang masinop sa kanilang pinaghihirapan.
NAKAUSAP namin ang mga founders ng Bris luxury hair brushes na sina Mike Feliciano at Lovely Martinez sa ginanap na launching kahapon sa Old Times Bar.
Si Lovely ay misis ng dating Star Circle Quest alumnus na si Raphael “RJ” Martinez. Dumating kahapon si RJ para suportahan ang bagong ini-launch na negosyo ng asawa.
Ayon kina Mike at Lovely, last year pa nila sinimulan ang negosyo pero ngayon lang nila ini-launch ang Bris hair brushes dahil inobserbahan muna nila ang takbo nito sa market.
Si Mike ay salon owner at hairstylist ng mga celebrities at ilan daw sa mga naayusan niya na sina Kathryn Bernardo at Julia Montes.
Na-observe raw niya na malaking bagay pala sa mga artista ang hair brush dahil katulad ni Kathryn, very particular daw ito sa kanyang buhok kesa sa make-up. Maganda na raw kasi si Kathryn lalo na ang skin nito kaya kahit simpleng make-up ay okay na.
Pero pagdating sa buhok, metikuloso raw si Kathryn, kaya ru’n daw naisip ni Mike na why not mag-put up siya ng kanyang own brand of hair brush na de-kalidad pero very affordable ang price.
Kaya naman nagkasundo sila ng friend niyang si Lovely na magsosyo sa negosyo at du’n nga nila nabuo ang Bris na may two variants - for dry hair (Lissea) and wet hair (Classea, perfect for detangling).
Well, proud namang ibinalita sa amin ni Mike na maraming celebrity friends na rin nila ang naka-try ng kanilang Bris hair brush tulad nina Dianne Medina, Rodjun Cruz, Empress at Melissa Ricks, pero sa ngayon, wala pa raw silang celebrity endorser but hopefully soon ay magkaroon din daw.
Eh, bakit nga ba hindi na lang si Kathryn?
Hmmm… if the price is right siguro. Charot!
Productions; kasama ang Gold Sponsors Globe Telecom at Unilab Inc.; Silver Sponsors SoundCheck Inc. at Puregold CinePanalo Film Festival; at Major Sponsors Luxent Hotel, RS Francisco, Beautéderm Corporation, at La Playa.





Comments