top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Magparehistro na para mga pasaway sa barangay, layas!

BULGAR
Dec 13, 2022
1 min read

@Editorial | December 13, 2022


Umarangkada na ang voter registration para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa Oktubre 2023.


Kaugnay nito, target ng Commission on Elections na maabot ang 1 milyon hanggang 1.5 milyong bagong botante sa pagpapatuloy ng pagpaparehistro simula kahapon hanggang sa Enero 31, 2023.


Isasagawa ang voter registration araw-araw mula alas-8: 00 ng umaga hanggang alas-5: 00 ng hapon, maliban sa Linggo, sa Office of the Election Officer ng lungsod, munisipalidad o distrito, kung saan naninirahan ang aplikante. Walang rehistro ng botante sa Disyembre 24 at 31.


Pinagsisikapan din ang pagbubukas ng satellite voter registration sa mga mall.


Para sa mas mabilis na transaksyon, mag-download at mag-fill up ng mga registration form na makikita sa website ng Comelec.


Bukod sa voter registration, tatanggap din ang Comelec ng applications for transfer, reactivation of registration, change or corrections of entries in the registration records, reinstatement ng pangalan sa listahan ng mga botante at paglipat ng registration records mula sa post tungo sa local.


Matagal nating hinintay ang pagkakataong ito, lalo na para sa mga barangay na may mga pasaway na opisyal. Panahon na para mapalitan ang mga tamad, korup at walang malasakit.


Tiyak natin na kilala na ng taumbayan kung sino ang mga tunay na nagseserbisyo at kung sino ang mga nagpapakasasa lang sa kapangyarihan at oportunidad.


Palayasin na natin ang mga walang silbi at ipuwesto ang mga tunay na lingkod-bayan.


Kung ang bawat barangay ay may matinong lider, makabuluhang mga programa at proyekto, mas mabilis ang pagbangon ng bayan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page