top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Magpapalakas si Marcial sa PRO para handa sa 2024 Olympics

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 7, 2021
  • 2 min read

ni Gerard Arce - @Sports | August 07, 2021




Wala pang planong isuko ni 2020+1 Tokyo Olympics bronze medalist Eumir Felix Marcial ang pangarap na makamit ang gintong medalya sa Summer Olympic Games – at sakaling mabibigyan pa ng panibagong pagkakataon ay nais nitong makabalik at tuparin ang pangako sa Olimpiyada.


Ibinuhos ng husto ng 25-anyos mula Lunzuran, Zamboanga City ang lahat ng lakas at kakayahan kontra sa 2017 World at European Champion na si Oleksandr Khyzhniak ng Ukraine na nagresulta sa 3-2 split decision para sa men’s middleweight semifinal battle noong Huwebes ng hapon.


Aminado ang 3-time SEAG medalist na nasaktan siya sa kinalabasan ng laban sa Ukrainian boxer. “Siguro naisip ko, may ibang plano pa siguro sa akin ang Panginoon. Ito lang yung naging dahilan para lalo akong lumakas, lalo akong mag-improve, kumbaga sobrang sakit, unang-una kase pinangarap ko to eh simula pagkabata pa lang gusto ko ng makatuntong dito sa Olympics na makuha 'yung gold, pero di ko nakuha,” pahayag ni Marcial matapos ang kanyang laban. “So, kung mabibigyan ako ng pagkakataon ulit na makapag-represent sa Olympics iga-grab ko yung opportunity kase hanggang ngayon pangarap ko pa rin yung gold sa Olympics,” dagdag niya.


Naging matindi ang palitan ng suntok ng dalawang boksingero na makikita sa resulta ng apat na mga hurado na pawang nagbigay ng patas na pagtingin, maliban sa isang hurado na naging pabor kay Khyzhniak simula 1st hanggang 3rd round.


Masasabi ko na binigay ko ang lahat, yung best ko para makuha ko 'yung sa Olympics kaya hindi ko po pinagsisisihan kung ano yung mga ginawa ko siguro may pagkukulang pero gagawin ko ang lahat para magbigay ng karangalan sa bansa natin.”


Samantala, makatatanggap ng tig-P2-million si Marcial sa Republic Act No. 10699; MVP Foundation ni Manny V. Pangilinan at San Miguel Corporation (SMC) ni Ramon Ang, habang may P1-million mula kay 1-Pacman Partylist representatives at sports patron Mikee Romero.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page