top of page
TALKIES - MAYOR VICO, UMAMING NEVER NAISIP MAG-SHOWBI-IG _vicosotto.jpg

Magpa-pasko na, wala pa ring National ID

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 14, 2023
  • 2 min read

ni Judith Sto. Domingo @Asintado | September 14, 2023


Pumasok na ang tinatawag na “ber months” o mga buwang nagtatapos sa “ber”.


Muling naglulutangan sa ating social media ang mga litrato at “memes” ng nagising na namang ‘simbolo’ ng Kapaskuhan sa Pilipinas, walang iba kundi ang ating kinagigiliwang singer na si Jose Mari Chan.


Ilang buwan na lamang at yayakapin na tayo ng simoy ng Pasko.


Ngunit ang tanong, “Darating kaya ang mga ipinangako ng gobyerno sa ating mga kababayan para maibsan o mapaigi-igi kahit man lang kaunti ang mahirap nilang kalagayan?”


Isa sa milyun-milyong nagtatanong n’yan ngayon ay ang nag-alaga sa aking namayapang nanay Elizabeth.


Ang caregiver ni nanay ay tila anghel na dumating sa aming buhay, gaya ng kanyang pangalang Angelita o Angelita Nabua. Siya ay tubong Pangasinan at matagal nang residente ng Pablo Ocampo Sr. (dating Vito Cruz) sa Maynila. Limang taon niyang matiyagang inalagaan si nanay na parang sarili niyang magulang -- pinapakain, ipinapasyal, pinapasaya at pinaglilingkuran sa araw-araw hanggang sa tuluyan nang manghina sa sakit na Alzheimer’s disease si nanay noong 2019.


Sa darating na Disyembre, nakatakdang magdiwang ng kanyang ika-60 na kaarawan si Angelita.


Sabi niya sa amin, excited na siya dahil sa wakas, makakakuha na siya ng mga benepisyong inilalaan ng batas para sa mga senior citizen.


Pero ang kasiyahan niya ay nabalot ng lungkot dahil isa siya sa libu-libong Pinoy na walang katibayan ng kapanganakan o birth certificate sa talaan ng Philippine Statistics Authority (PSA).


Wala rin siyang pinanghahawakang marriage certificate na makapagpapakita rin sana ng petsa ng kanyang pagsilang.


Heto pa, ang inaasahan ni Angelita na magiging mabisang katibayan ng kanyang pagiging senior citizen, sa kasamaang palad ay hindi pa rin dumarating — ang National ID o Philippine ID na isang taon na niyang hinihintay at hanggang ngayon ay napakailap pa rin.


Kaya mapipilitan siyang bumiyahe sa kanyang bayan sa San Fabian, Pangasinan para ayusin at isumite ang mga kinakailangang dokumento upang mai-record ng PSA ang kanyang kapanganakan.


Milyun-milyong pang mga “Angelita” sa ‘Pinas ang nananaghoy para makuha ang kanilang National ID, na inaasahan sana nilang pinakasimple, madali at mabilis nilang dokumento sa pagkuha ng benepisyo ng pamahalaan tulad ng mga itinalaga para sa mga senior citizen.


Nawa ang presensya ng National ID ay dumating na bago pa man ang simoy ng Kapaskuhan dahil bawat araw ng paghihintay ay pagkaantala ng tulong at karapatan ng ating mga kababayan.


Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.


1 Comment


joseoliveros1947
Sep 14, 2023

Bakit nga baga hindi makapagbigay ng maliwanag na dahilan ang Philippine Statistics Authority kung bakit hanggang ngayon marami pa ang hindi natatanggap ang kanilang national id ganoong mahigit nang isang taon nang mag-apply sila? Nang ipahayag ng gobyerno ang pag-iisyu ng national ID para isang ID na lang ang gamitin sa lahat ng transaksiyon nila sa gobyerno man o pribadong establisimiyento, marami ang natuwa at ang haba ng mga pila sa mga mall para mag-apply. Pero marami rin ang nabigo at nagalit nang hindi matangap ang kanilang national ID kaya napilitang kumuha ng postal ID at iba pang ID na puedeng gamitin sa kanilang transaksiyon. Tungkol naman sa problema ng kasambahay nina Bb. Sto. Domingo, baka puede ang late (katuna…

Like

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page