Magnilay, magpahinga ngayong Semana Santa
- BULGAR
- Mar 25, 2024
- 1 min read
@Editorial | Marso 25, 2024
Nagsimula na ang Holy Week.
Ang panawagan sa mamamayan, magnilay at magpahinga.
Kung tayo man ay nasa maingay at magulong pamumuhay, gamitin natin ang pagkakataon para hanapin ang katahimikan.
Mag-break muna sa trabaho o anumang gawain at huminga nang malalim.
Alisin ang mga alalahanin, sikaping tanggalin ang galit at masamang pag-iisip.
May iba-ibang paraan kung paano inoobserba ang Semana Santa — ang iba ay dumadalo sa retreat at nagnilay-nilay, puwede ring manatili sa bahay at gawin ang mga nakagisnang tradisyon tuwing panahon ng pangilin. Bagama’t moderno na ang panahon at marami na ang mga pagbabago, marami pa ring mga deboto ang patuloy na kumakapit sa kanilang pananampalataya.
At ang masasabing pinakamahalagang bagay naman ay ang isaisip at isabuhay ang tunay na layunin ng Semana Santa.
Hindi masama ang magpahinga o gamitin ang pagkakataon na magsaya kasama ang mga mahal sa buhay, basta’t hindi nakakalimot sa pagbibigay ng oras sa pagdarasal.
Bigyan natin ng pagkakataon ang sarili na makapagnilay-nilay para pagbalik sa trabaho, malakas at may purpose ulit ang buhay.



Comments