top of page
WINNER - MALE FAN, NAG-PROPOSE KAY ALEX EALA SA HARAPAN NG PADIR_FB Alex Eala.jpeg

Magkayakap kasama ang alagang aso... Mag-utol na 7 at 11, dedo sa sunog

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 23 hours ago
  • 1 min read

ni Mai Ancheta @News | August 29, 2026



Sunog sa Brgy. Barcenaga, Naujan, Oriental Mindoro - Circulated

Photo: Brgy. Barcenaga, Naujan, Oriental Mindoro - Circulated



Patay ang magkapatid na edad 7 at 11, matapos masunog ang kanilang bahay nitong Huwebes ng gabi sa Brgy. Barcenaga, Naujan, Oriental Mindoro.


Yakap pa ng magkapatid ang kanilang alagang aso nang matagpuan ang labi matapos maapula ang apoy.


Sugatan naman ang lolo ng magkapatid matapos makatalon sa bintana sa kasagsagan ng sunog.


Nabatid na wala sa bahay ang tiyahin at tiyuhin ng magkapatid, kasama ang apat na anak at tanging sila lamang ng kanilang lolo ang naiwan.


Nasa ibang bansa ang ina ng magkapatid na biktima habang dalawang taon nang patay ang kanilang ama.


Iniimbestigahan kung may foul play sa insidente, bukod sa tinitingnan din ang posibilidad na nagsimula ang apoy sa extension wire kung saan nakasaksak ang isang clip fan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page