Magkasama sa show pero… SUPER TEKLA AT BOOBAY, NAG-AWAY, INAWAT NG MGA GUARDS
- BULGAR

- Sep 20, 2020
- 1 min read
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | September 20, 2020

Hindi raw gimmick para sa show nilang The Boobay and Tekla Show ang pag-aaway sa set ng dalawang hosts ng show na sina Boobay at Super Tekla. Talaga raw nagkainitan ang dalawang comedians ng GMA-7 at nakunan pa ng TV camera ang palitan nila ng maiinit na salita.
Nasa bad mood si Tekla at napikon kaya hindi niya napigilan ang sarili na patulan si Boobay. Pati raw ang mga guards ng GMA na nasa studio ay umawat na kina Boobay at Super Tekla.
Ang mga eksenang 'yun ay mapapanood sa TBATS ngayong gabi pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho.
Ano nga kaya ang dahilan ng pag-aaway nina Boobay at Tekla? May memo kaya silang matatanggap sa mga big bosses ng Kapuso Network?
Hindi kaya stressed lang si Super Tekla kaya mainit ang ulo nang magteyping ng fresh episode ng TBATS? Halos anim na buwan din kasing hindi nakapagteyping ang The Boobay and Tekla Show simula nang mag-lockdown dahil sa Covid pandemic. At dahil walang trabaho ang mga artista, hindi maiwasan na uminit ang kanilang ulo at maburyong.
Pero sa kaso nina Boobay at Super Tekla na matagal ding nagkasama sa TBATS, tiyak na agad din silang magkakaayos at magkakapatawaran. Besides, pareho silang Kapuso kaya dapat na maging maganda ang kanilang relasyon bilang mga hosts ng TBATS!





Comments